Sunday , January 12 2025

Ria Atayde, game sa mga challenging na role

PATULOY sa paghataw ang showbiz career ni Ria Atayde. After masungkit ang kanyang first acting trophy sa 30th Star Awards for TV ng Philippine Movie Press Club (PMPC) bilang Best New Female TV Personality para sa mahusay na performance sa MMK (Puno ng Mangga) episode, ngayon naman ay magkakasunod ang projects ng aktres.

Isa si Ria sa casts ng Wansapanataym: Holly & Mau ng ABS CBN na tinatampukan nina Janella Salvador at Elmo Magalona. Kasama rin ang aktres sa HOOQ para sa mini-series na On the Job ni Direk Erik Matti na ang tema ay naka-focus sa media industry para sa Season 1.

Sa Wansapanataym ay gumaganap siya bilang diwatang kontrabida, okay lang ba sa kanya ang ganitong role dahil sa unang TV series niyang Ningning ay mabait ang karakter na kanyang ginampanan? “Okay naman po sa akin na maging kontrabida, of course. Parati ko naman pong sinasabi na lahat okay po ako. Medyo mas challenging ang ganitong role, pero kaya naman po,” pahayag niya sa amin.

Ano ang eksaktong papel niya sa Wansapanataym?

Sagot ni Ria, “Ako po si Eliza roon na isang diwata na kalahating tao. Yung father ko is human, ang mother ko is a diwata. Tapos katulad ng nanay ko, iniwan din po ako ng human o ng tao na minamahal ko.”

Sinabi rin ng magandang anak ni Ms. Sylvia Sanchez ang kanilang forthcoming mini-series na On The Job para sa HOOQ. “HOOQ is a video streaming service with over 30,000 pieces of media in it. May shows and movies including ABS, GMA. Regal, Reality Star, aside from international ones din from both Hollywood and around Asia. OTJ is a mini-series connected to the old movie by Direk Erik Matti. It’s a spin off of the movie po.

“I play Karen Salas, daughter of Sisoy Salas, a journalist in a small town called La Paz. I’m the eldest daughter who takes charge of the family since namatay po iyong Mom namin and busy po si daddy sa trabaho.”

Kasama ni Ria sa On The Job sina Bela Padilla, Arjo Atayde, Dominic Ochoa, Smokey Manoloto, Jake Macapagal, at Christopher de Leon.

Inusisa rin namin si Ria kung handa ba siyang sumabak sa indie films at kung ano’ng role ang gusto niyang gampanan. “Opo naman, game rin akong mag-indie films,” matipid na tugon niya.

“Kahit ano pong challenging at wala sa normal kong line of characters ang gampanan kong role. Of course! Sa tingin ko ay challenging na role yung maging tomboy or autistic,” pahayag pa ni Ria.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Keempee de Leon Joey de Leon

Keempee at Joey nagkaiyakan, nagkapatawaran 

RATED Rni Rommel Gonzales MATAGAL nang hindi nag-uusap sina Keempee de Leon at ama Joey …

Kathryn Bernardo Mommy Min

Kathryn madamdamin mensahe sa ina

MATABILni John Fontanilla EMOSYONAL ang mensahe ni Kathryn Bernardo sa pagseselebra ng kaarawan ng kanyang …

Maris Racal Anthony Jennings

Maris, Anthony nagpakita na sa publiko

LUMANTAD na noong Martes, Enero 7 sina Maris Racal at Anthony Jennings sa isang fan …

Rufa Mae Quinto NBI

Rufa Mae sumuko sa NBI

DUMIRETSO agad sa National Bureau of Investigation (NBI) si Rufa Mae Quinto pagkarating ng Pilipinas …

Vic Sotto Darryl Yap

Vic Sotto idedemanda si Darryl Yap

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KAKASUHAN daw ni Vic Sotto ang kontrobersiyal na direktor, si …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *