Saturday , November 23 2024

May moral ascendancy pa ba si Sen. Leila De Lima?

POWER, puso at puson ang naging pangunahing topic ng pagdinig sa Kamara kahapon.

Siyempre, starring diyan ang pitong-taon relasyon ni dating justice secretary at ngayon ay senador Leila De Lima at ang kanyang driver-bodyguard-lover na si Ronnie Palisoc Dayan.

Kung pagbabatayan ang mga pahayag ni Dayan, masasabi nating tila ‘napaglaruan’ ang kanyang puso ng ‘kapangyarihan’ at ‘pagnanasa’ ni Madam Leila.

O puwede rin namang, sinamantala ni Dayan ang ‘pangungulila’ at ‘paghahanap ng kasiyahan’ ni Madam Leila dahil kailangan niyang mangunyapit sa ‘laylayan’ ng kapangyarihan ni Madam?

Sabi nga ni Dayan, umabot sa intensity 5 ang relasyon nila ni Madam Leila. Kumbaga sa lindol, ‘yun daw ang ‘pinakamalakas’ na inabot ng kanilang loving-loving.

Kalakas naman na ‘yugyugan’ n’yan?!

Wattafak!?

‘Yan siguro ‘yung panahon na ang ‘angas’ ng arrive ni Dayan at ng kanyang utol sa Bureau of Immigration (BI), BuCor at NBI noon, lalo na kapag nakakanti ang kanilang ‘kalakaran.’

‘Yung nakita nating  itsura ni Dayan sa telebisyon kompara noong panahon ng ‘Intensity 5’ nila ni De Lima, aba ‘e malayong-malayo.

Kahit sinong tanungin mo sa DOJ, kayang sabihin kung paano umasta si Dayan noon. Daig pa ang tunay na first gentleman sa NBI, BI at sa DoJ kapag dumarating si Dayan.

Pero may kasabihan nga, “When you’re up, there’s no where else to go but down!” and vice versa.

Kaya nang lumamig na ang relasyon biglang naging intensity 1 na lang, parang biglang nanguluntoy ang tikas at yabang ni Dayan.

Doon siguro naniklop ang yabang ni Dayan at ng utol niya. Medyo natampal nga raw niya si Madam nang mahina, sabay sabing… “Uubusin mo yata kaming mga security guards!”

Araykupo! Masakit pa sa sampal ‘yan!

Anyway, ang puna lang natin dito, bakit nagpokus ang hearing sa relasyon nina Dayan at De Lima at hindi sa isyu ng pagkakasangkot sa ilegal na droga ng dating justice secretary?

Parang pinagdikit-dikit lang ang mga kuwento tungkol sa relasyon nina De Lima at Dayan; sa illegal drug trade ni Kerwin Espinosa at  ang drug payola system para sa pulisya.

Maging ang mga mambabatas ay tila ‘nalito’ kaya nagpokus na lang sa relasyon nina Dayan at De Lima.

Parang ang napatunayan lang sa nasabing hearing ‘e ang pakikipagrelasyon ni Madam Leila sa kanyang mga security guard.

Nawala na ang isyu tungkol kina Jaybee Sebastian, Herbert Colangco, Peter Co  at sa Bilibid drug trade sa kabuuan.

‘E para saan pala ang hearing sa Kamara?!

Para lang patunayan na wala nang moral ascendancy si Leila?!

Ano ang napatunayan sa illegal drug trade?

Nganga?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *