Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kikay at Mikay, hindi natuloy ang stage play with Bianca Umali

NANGHIHINAYANG kami dahil hindi natuloy ang stage play na gagawin dapat nina Kikay at Mikay, kasama ang Kapuso aktres na si Bianca Umali. Nabalitaan namin ito sa mother ni Kikay na si Mommy Diana.

“Conflict po sa schedule, kaya hindi na po tuloy ang stage play with Bianca Umali. Sayang nga po, pero okay lang, better luck next time na lang po ang naisip namin,” saad sa amin ni Mommy Diana.

Sa ngayon, bukod sa pelikulang Field Trip ni Direk Mike Magat ay marami silang shows. Abala rin sina Kikay at Mikay sa pagtulong sa pag-promote ng pelikulang Mga Batang Lansangan na pinamahalaan din ni Direk Mike.

“This Saturday, sina Kikay at Mikay po ay nasa SM Baliuag, Bulacan para mag-promote ng movie na Mga Batang Lansangan with Direk Mike Magat kaya nagpapasalamat kami sa sponsor, ang restaurant owner na si Maam Karen na Delicioso All You Can Eat restaurant na matatagpuan sa Dr. Gonzales St., Baliuag Bulacan. Sa December 11 po ay may All Star Game show naman po sila na kasama sina Direk Mike, Rocco Nacino, Carlo Cepeda, Onyok Velasco, at marami pa pong ibang artists,” kuwento pa sa amin ni Mommy Diana.

Dagdag pa niya, “May advance invitation din sina Kikay at Mikay sa concert ng New Discovery Casting na gaganapin sa January 4 or 11 this coming year 2017 sa Zirkoh or Clownz. Under management ito nina Ms. Jane at Sir Miguel.”

Sina Kikay at Mikay ay Viva contract artist na binigyan ng five year contract dito. Si Kikay ay seven years old, samantalang si Mikay ay ten years old naman. Nakakabilib ang dalawang bagets dahil sa magaling sila kapwa sa sayawan, kantahan, at pag-arte and sure ako na malaki ang future ng dalawa sa mundo ng showbiz.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …