Friday , December 27 2024

DG Ronald “Bato” Dela Rosa seryosong linisin ang PNP

HINDI lang ang kahirapan ang nakahahambal sa ibinunyag ni Kerwin Espinosa sa mga pulis na nakikinabang sa operasyon ng kanyang sindikato sa ilegal na droga.

Higit sa lahat, mas kahambal-hambal ang kasalatan sa dangal at prinsipyo ng mga pulis na tumatanggap at nakikinabang, hindi lang sa illegal gambling kundi maging sa illegal drugs.

Kung hindi pa naging presidente si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte, hindi pa mabubuyangya sa publiko na sandamakmak na pulis na pala ang tongpats sa ilegal na  droga.

Naramdaman natin ang bigat sa dibdib ni PNP chief, Director General Ronald “Bato” dela Rosa nang maluha siya nang sabihin ni Senator Migz Zubiri na halos siya na lang ang pinagkakatiwalaan nila sa hanay ng pulisya.

Nangyari ‘yan sa muling pagbubukas ng Senate probe sa pagkamatay ni Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa, sinabi ni Gen. Bato, mahirap maging heppe ng pulisya.

Aniya, “I, myself, sinasabi ko nga minsan hindi ko na alam kung sino ang pagkatiwalaan…. Like itong si Chief Inspector Espenido, (i)nilagay ko siya (r)oon as chief of police ng Albuera because buo ang paniniwala ko kahit hindi siya personally kilala.”

“Gustung-gusto ko lang ma-reform ang PNP, kasi mahal na mahal ko ang organization namin kahit ako ay hirap na hirap na,” sabi ni Dela Rosa.

Pero sa kabila ng eksasperasyon na ipinakita ni Gen. Bato, sinabi rin niya na hindi siya susuko para mareporma ang PNP.

“I will never surrender. Masasabi ko sa inyo, if you survive the board in the Academy, sa PMA, you will survive the world. Kaya ko ‘to. Hindi ko ito uurungan. Lilinisin ko ang PNP hangga’t sa makaya ko.”

Hiningi rin di Dela Rosa ang simpatiya ng publiko at sinabing unawain nila ang trabaho ng mga pulis.

“Medyo nahihirapan na rin kami. Nahihirapan na rin kami na mag-adjust dahil sa mga pangyayari. But please understand na kami po ay tao lang.”

Ngayon lang po tayo nakakita ng pulis na gaya ni Gen. Bato, malaking tao pero walang yabang sa katawan.

Sa kabila ng kapangyarihang taglay, buong kababaang-loob na inaamin ni Gen. Bato na hindi nakapagtataka sakaling matukso ang ibang pulis sa maling gawain dahil kahirapan.

Sa kabila nito, hindi niya papayagan na manatili sa serbisyo ang mga ganoong klase ng pulis.

Hindi niya hahayaang masira ang tiwala sa kaniya ni Presidente Digong.

“Hindi ako Superman, ako ay ordinaryong pulis lang. Pero since (i)nilagay ako bilang chief PNP ni Presidente, gagawin ko lahat, lilinisin natin ito, even if it costs my life.”

Kung mayroon tayong ganyang hep eng Philippine National Police (PNP), wala sigurong rason para hindi natin suportahan ang kagaya niya lalo’t nakikita natin ang kanilang ginagawa araw-araw.

Alam natin na ang problema sa ilegal na droga ay hindi simbigat ng problemang gaya ng isinisigaw ng aktibista na imperyalismo, burukrata kapitalismo at pyudalismo, pero kadikit ito ngayon ng bituka ng mga mamamayang apektado nito.

May mga tulak na kaya naging tulak, ay para makalibre ng gamit.

May mga tulak na walang trabaho at ‘yun lang ang alam nilang pagkakitaan, hindi alintana na ang mga biktima nila ay lalong magiging salot ng lipunan.

May mga tulak na pulis, ‘yung ninja cops, na inire-recycle ang mga nakokompiska nilang ilegal na droga, shabu, ecstacy at iba pa.

Naging talamak na ang problemang ito, dahil sa mahabang panahon ay napabayaan ang problemang ‘yan, ayon mismo kay Gen. Bato.

Kung hindi pa nagkaroon ng isang presidente na serysosong linisin ang bansa laban sa salot na ilegal na droga, hindi pa malalantad na ganyan na kalalim ang sindikato sa loob mismo ng PNP at burukrasya.

Sana lang, maging tuloy-tuloy na ang paglilinis na ito, kahit hindi na si Pangulong Digong ang presidente.

Let’s keep our fingers crossed.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *