PARA sa mga kontesera.
Ito pala ang istorya ng buhay ng bidang si Paolo Ballesteros sa katauhan niya sa Die Beautiful ni Jun Lana. Nakapasok ito sa Magic 8 na mga pelikulang lalahok sa MMFF (Metro Manila Film Festival) 2016.
Kontesera sa mga gay beauty pageant. At sa isang pagkakataon, inatake siya sa puso at humantong sa kanyang pagpanaw.
Nakausap namin ang partner ni direk Jun na si Perci Intalan, hours after ng announcement sa walong napiling pelikula at sabi nga niya, nagulat din siya sa naging desisyon ng Komite para sa taong ito.
“Matapang ang desisyon nila pero tama lang naman ang mga sinabi ng mga hurado sa komite.”
Rumampa na sa Japan ang Die Beautiful at may tinanggap na ngang parangal.
“Hindi pa naman ito naipalabas sa atin commercially. At wala pang Philippine premiere kaya pasok naman siya as an entry at naiparating naman muna namin ‘yun sa Committee kaya qualified naman siya to join. Two years in the making ang pelikula.”
Ang dasal ni Intalan sampu ng mga kasama niya sa nasabing pelikula ay ang mabigyan naman ang lahat ng walong pekikulang napili ng pagkakataon ng mga manonood na makapagbigay din ng lagi na nilang inaasahang mapanood sa mga sinehan sa Kapaskuhan.
“Maraming times naman na tayong ginugulat ng MMFF. Ngayon lang may nakasaling docu sa main competition. Sana nga manggulat pa rin ang aming mga pelikula.
“Para sa amin, isa pang blessing ito pagkatapos ng Tokyo Film Festival. It happened just at the right time. Nakagugulat nga kasi naramdaman namin na marami talagang nagmamahal kay Paolo. Roon pa lang sa Japan. They loved the movie and si Paolo. Ang bait naman kasi talagang bata. Nakikita naman natin sa EB (Eat…Bulaga!) na nakakahalubilo ng mga tao kaya nakikita ko kung bakit siya mahal ng mga tao at bakit panonoorin siya sa pelikulang ito. Three dimensional ang character niya. Para ngang hindi umaarte. Nakita na natin siya sa mga dramatic roles niya sa mga Lenten presentation ng ‘EB’. Dito ibang hugot naman at look siya. Isang transgender na namatay nang kinokoronahan siya sa isang gay beauty pageant. Na never tinanggap ng pamilya niya. Kaya may mga ginawa ang mga kaibigan niya sa burol niya. Rody Vera wrote the script with Jun.”
Mukha namang paiiyakin at patatawanin tayo ni Paolo sa Die Beautiful.
HARDTALK – Pilar Mateo