Friday , December 27 2024

Pitong taon na ang nakalipas nang paslangin ang 32 mamamahayag sa Maguindanao

Kung  mayroon kayong anak na ipinanganak noong 2009, siyempre 7 years old na siya at nag-aaral.

Kaya kung buntis ang naulila ng mga mamamahayag na biktima ng masaker o maramihang pagpatay sa Maguindanao na ang itinuturong utak ay pamilya Ampatuan, sila iyong mga pitong taong gulang na ‘yan.

Pero ang ‘ipinagbuntis’ ng mga naulila ng 32 mamamahayag ay labis na lungkot at pagkadesmaya dahil sa loob ng pitong taon, wala pa silang nakikitang katiyakan na makakamit nila ang katarungan.

Mantakin naman ninyo, ‘yung mga simpleng kaso nga ‘e inaabot ng 10 taon, ‘yan pa kayang halos 100 mahigit ang akusado?!

Ilang taon ang aabutin bago matapos ang pagpapaupo sa bawat sa witness?

Malamang, may apo na sa tuhod ang mga nabiyuda pero hindi pa rin tapos ang paglilitis.

Lalo na nga’t ang nakatalagang si Judge Jocelyn Solis-Reyes ‘e kandidatong iupo sa Sandiganbayan at sa Court of Appeals.

Mismong si Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno ay nakiusap kay Judge Solis-Reyes na huwag iwanan ang Maguindanao Massacre case.

By the way, nasaan na nga pala ang mga pamilya ng mga biktima?! May nakaaalala kaya sa kanila?!

Marami tayong nababalitaan na kung ano-anong fund-raising activities para sa mga pamilyang naulila, pero hindi natin nababalitaan kung nakararating sa kanila?!

Ang dami rin nagsulputang media organizations na nagsasalita sa ngalan ng mga biktima pero tumutulong ba talaga sila sa pagsusulong ng nasabing kaso?!

Gaya ni Atty. Harry Roque na sumikat sa Maguindanao massacre at isa na ngayong party-list representative, isinasama ba niya sa kanyang adbokasiya ang mga biktima at pamilya ng Maguindanao massacre?!

Huwag naman sana niyang makalimutan…

Marami talagang dapat itanong sa pagpapatuloy ng pagdinig sa kaso ng Maguindanao massacre.

Sana lang ‘yung mga nagsasabing tumutulong sila ay genuine at hindi ‘yung masabi lang na hindi nila nalilimutan ang Maguindanao massacre.

Huwag sanang gamitin sa papogi at pansariling propaganda lang.

Nawa’y gunitain natin ang Maguindanao massacre sa isang makabuluhang paraan…

Para sa mga biktima, sa kanilang pamilya at sa katarungan na inaasam ng sambayanan.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *