Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Paghataw ni Arjo Atayde sa ASAP, patok sa netizens!

NAG-TRENDING ang paghataw sa dance floor ni Arjo Atayde sa ASAP last Sunday. Ito’y bahagi ng post-birthday celebration ni Arjo na mas kilala na rin ngayon ng teviewers bilang si S/Insp. Joaquin Tuazon, ang karakter na ginagampanan niya sa top rating TV series na FPJ’s Ang Probinsyano na tinatampukan ni Coco Martin.

Sa kanyang dance number sa ASAP na ikinagulat ng Atayde family, nagpakita ng kanyang cool moves sa dance floor si Arjo. Rason para marami ang nag-comment sa social media na nagpapahayag ng pagkabilib sa tisoy na aktor dahil magaling pala siyang sumayaw. Nadagdagan daw ang mga may crush sa actor dahil sa kanyang ‘makalaglag panty’ na dance moves.

Naitsika nga sa amin ng kanyang mabait na ina na hilig pala talaga ni Arjo ang pagsasayaw. Saad sa amin ni Ms. Slyvia, “Ang pagsasayaw talaga ang first love ni Arjo at hindi acting.”

Sa ipinakitang sample ni Arjo sa ASAP, pinatunayan ni Arjo na versatile talaga siya lalo’t first time niyang ginawa ito sa TV. Sumayaw siya sa Dawin’s Jumpshot at dahil dito ay nag-trending sa Twitter-Philippines. Request pa ng netizens na sana raw ay makita nilang mas madalas sa ASAP si Arjo.

Patunay lang ito kung gaano kaseryoso sa kanyang craft si Arjo na so far, dalawang Best Support Actor na ang nasusungkit this year. Una ay sa The PEP List Year-3 at ang sumunod ay sa nakaraang 30th Star Awards for TV.

Samantala, ang pamilya niya raw ang inspirasyon ng aktor sa kanyang trabaho sa showbiz. “Family, family talaga… Kung di kasi ako nag-ganoon (artista), I’d be succeeding in the business side, the business world. So, this is what I chose, so obviously I didn’t want to succeed in that,” wika pa ni Arjo.

Sa ngayon ay mas nagiging kapana-panabik ang Probinsyano dahil sa development ng pagka-frame-up ni Joaquin (Arjo) kay Dalisay (Coco).

Gaano ba kahirap maging kontrabida?

Sagot ni Arjo, “Mahirap maging kontrabida, it’s a very challenging role. It’s also fun, kasi yung creative side ng mind mo ay laging gunagana. Puwede mong paglaruan iyong character mo, in a way, kapag kapa mo na.

“I’ve been doing Joaquin for a year and six months now and when they say ‘Action,’ everything changes. Na dapat ay ako na si Joaquin.”

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …