Friday , December 27 2024

Derek Dee, advocacy na tumulong sa mga may Hepatitis-C!

NAGKAROON pala ng Hepatitis-C ang dating actor na si Derek Dee  na napaglabanan niya kaya naman nagkaroon siya ng advocacy sa pagsugpo nito.

“Well, it’s my advocacy, kasi four years ago I got a routine blood test and I got tested positive for Hepatitis-C. And if you are familiar with Hepa-C, it’s a slow killer. Parang, it eats up your liver overtime. During that time, four years ago, parang… there was no cure and there was only one treatment and parang fifty percent cure rate with deadly side effects pa, so I refused treatment.

“Pero last year I discover a drug, Harvoni at ang ganda ng ano e, its one pill a day, you take it for three months, no side effects and the cure rate is 97%. So I said, ‘It’s like going to a casino, hindi ba?’ If you have a 97% chance of winning, that’s a very good rate. Ang malas mo naman if you’re part of the three percent,” sambit ni Derek na nagbida at naging producer sa ilang pelikula noong dekada 80.

“When I was diagnosed, sinabi ko na sa anak kong si Michelle at sa wife ko na I’m dying. Until I stumbled nga on this pill na ni-research ko rin and mayroon ng gamot ang Hepa-C. Very expensive siya and when I took it for months, had myself checked again, nawala siya.

“I guess I got it during my early teenage years sharing needles. Although for decades now, I no longer do drugs, Hepa-C was already in my system and I only knew it four years ago.

“Paki-clear lang, 30 years ago pa ‘yang paggamit at subok ko ng drugs, ha. Baka kasi mamaya may kumatok bigla sa pintuan ko at sabihin na user ako. Pero noong araw pa iyon, hippie ako noon, eh,” paglilinaw ni Derek.

Ani Derek, sinubaybayan niya ang gamot na Harvoni hanggang lumabas ito sa market pero nalula siya sa presyo nitong US$1,000 bawat tableta. Kaya sa tatlong buwang pag-inom ay gagastos ang pasyente ng US$90,000. Pero ayon sa manufacturer ng gamot, mas mura pa rin ito kaysa liver transplant. Alam ni Derek na maraming hindi kaya ang presyo ng miracle drug, nakakita siya ng mga kompanyang kayang gumawa ng ganitong gamot sa presyong $800-$1,200 sa buong treatment na. Kaya ito ngayon ang advocacy ni Derek, ang makatulong na ipaalam sa publiko ang mga bagay na ito.

Sinabi pa ni Derek, hindi niya totally isinasara ang pinto sa pagbabalik-showbiz. Katunayan, possible siyang magprodyus ng indie film ukol sa kanyang advocacy sa Hepa-C. Pero sa ngayon, sa krusada niya para sa mga may sakit ng Hepa-C muna siya nakatutok.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *