Saturday , November 16 2024

Walang krisis o hoarding ng sibuyas — Agriculture

“WALANG katotohanan ang ibinibintang na pagtatago ng sibuyas sa mga  imbakan. Maayos ang mga magtatanim ng sibuyas ng Nueva Ecija. Walang katotohanan ang sinasabing krisis sa sibuyas.”

Ito angreaksyon ni Serafin Santos, ang hepe ng Office of Provincial Agriculture hinggil sa napabalitang hording ng sibuyas sa pro-binsya.

Ayon kay Santos, noong Agosto 2016 ay naubos na ang produkto ng mga magsasaka dahil ito ang panahon ng anihan at kasaluku-yang nagtatanim na sa nga-yon ang mga magsasaka kaya hindi sila apektado nang mababang presyohan sa ngayon ng sibuyas.

Paliwanag ng Agriculture Office, binuksan nila pansamantala ang ‘stop gap measure’ para makapag-import nang sapat na supply ng imported na sibuyas u-pang hindi magmahal ang presyo nito sa merkado, habang nagtatanim ang mga magsasaka.

“Ang talagang maaapek-tohan nito ay yung mga traders at hindi ang mga magsasaka. Yung mga nakaimbak na sibuyas ngayon ay pag-aari ng mga traders at hindi ng mga magsasaka. Ganonpaman hindi sapat ang supply para i-accommodate ang pangangailangan ng sibuyas kaya nagkaroon ng pag-aangkat,” paliwanag ni Santos.

Ang dahilan aniya nang kakaunting supply ng sibuyas ay pamemeste ng ‘army worms’ na noong Setyembre 2006 pa nananalasa sa mga sibuyasan, base sa ulat ng Bureau of Plant Industry (BPI) ng Department of Agriculture.

Nanawagan naman si Governor Czarina “Cherry” D. Umali sa Malacañang na tiyakin ang proteksiyon sa mga magsasaka laban sa pamemeste at unos na pumipinsala sa kanilang kabuha-yan.

Ayon kay Umali, ang Nueva Ecija ang panguna-hing producer ng sibuyas sa buong bansa dahil humigit-kumulang 1,577 ektarya ang sibuyasan ng buong probinsya.

“Nananawagan po kami kay Pangulong Rodrigo Roa-Duterte na sana ay bigyang prayoridad ang ating mga magsasaka. Kailangan po namin ng dagdag na tulong sa ating Agriculture Department at sa lahat ng sangay ng pamahalaan para mapangalagaan ang ating sibuyasan,” wika ni Umali.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *