KASABAY ng makasaysayang paglibing (sa wakas) sa labi ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, noong araw ding ‘yon (Biyernes) ay inilabas na ang walong opisyal na kalahok sa Metro Manila Film Festival sa taong ito.
Totoong hindi inaasahan ang kinalabasan ng anunsiyong ‘yon. Ang mga umaasang pelikula tulad ng kay Bossing Vic Sotto (pang-10 bahagi na), sa Regal Entertainment (na ikapito na), at ang ikalawang pagtatambal nina Coco Martin at Vice Ganda ay pare-parehong nasilat!
In short, nganga!
A quick look at the official entries makes a movie buff think: teka, wala bang nakalusot na isang pelikula man lang na pambata na nakagawian na taon-taon?
Oo nga naman, come to think of it. We always say that Christmas is a season for the kids. At sa walong pelikulang nakalusot, alin doon ang sadyang ginawa para sa mga bata?
Are we to say na ang kasalukuyang nakaupo sa selection committee ay anti-children? Teka rin muna, ano ba kasi ang ipinairal na selection process?
Taon-taon din ay very much particular ang buong MMFF sa revenue na iaakyat ng mga pelikulang kalahok. And to say na matagumpay ang festival ay kailangang lampas ito sa expectations ng MMFF in terms of overall box office take.
Eh, juice ko, alin sa walong ‘yon ang masasabing tatabo sa takilya lalo’t hindi naman lahat ng ‘yon ay for general patronage?
Last year lang, tapos na ang 10 araw ng commercial run ay may ipinalalabas pang MMFF entry sa ilang mga sinehan. With these eight entries, aba, masuwerte kung kalahati man lang nito’y umabot sa 10 araw ng showing nang hindi pinapalitan ng mga theatre owners na revenue rin ang hangad, ‘di ba?
Direk Sampedro, nalungkot
Samantala, nakarating sa aming kaalaman na malungkot si direk GB Sampedro dahil hindi pinalad ang idinirehe niyang Mang Kepweng Returns. Mas nalungkot ang mga bagitong prodyuser nito na nasa likod ng CineKo Productions, the movie being its initial offering.
Bilang pampalubag-loob sa kanilang collective disappointment ay sinabihan na lang silang humanap ng magandang playdate sa 2017. As if naman, may iba pa silang choice.
Kaso, kung makakuha man ito ng January playdate, ang tanong: may pera pa ba ang tao pagkatapos ng malaking pagkakagastusan sa nagdaang Pasko?
Siyempre, nganga na, ‘no!
HOT, AW! – Ronnie Carrasco III