Friday , November 15 2024

Suhol, no way ‘yan sa QCPD!

KUNG guyabano ang puno, santol ang bunga?

No no no… ang tama ay kung punong santol ang puno, santol din ang bunga. Iyan ang tama!

Sa Quezon City naman, kung ang isang lider ay nagpapamalas ng magandang kabutihan, magandang magpalakad, magandang asal at magandang ehemplo sa kanyang mga tauhan, tiyak na lahat ng trabaho rito ay pulos matagumpay.

Kaya, huwag nang magtaka kung sa mga susunod na araw ay iuuwi na naman ng Quezon City Police District (QCPD) ang parangal na most outstanding police district sa National Capital Regional (NCR).

Oo tiyak na posibleng mangyari ang nabanggit dahil nasaksihan natin kung paano pamunuan ni Sr. Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, QCPD director, ang pulisya na ipinagkatiwala sa kanya ni NCRPO director, Chief Supt. Oscar Agbayalde na may basbas naman nina Pangulong Duterte at PNP chief, Director General Bato.

Simula nang maupong director ng QCPD si Eleazar, walang humpay ang giyera sa kriminalidad sa lungsod partikular sa ilegal na droga. Hindi lang libo-libong pisong halaga ng shabu ang nakokompiska sa mga naisagawang operasyon ng QCPD lalo ang District Anti-Illegal Drugs (DAID) at District Special Operation Unit (DSOU), kung hindi milyon-milyong halaga ng shabu ang nadale na ng tropa.

Hindi lang naman ang dalawang unit ang may kontribusyon sa magaganda at matagumpay na operasyon ng QCPD kundi malaki rin ang kontribusyon dito ng police station 1 hanggang 12 at iba’t iba pang operating unit sa Kampo Karingal, tulad ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) at Anti-Carnapping Unit.

Pero ba’t ganoon na lamang kung magtrabaho ang bumubuo ng QCPD – ba’t nagkakaisa sila para sa kaayusan at katahimikan ng lungsod para sa mga mamamayan nito? Iyan ay dahil na rin sa ipinakitang magandang pamumuno ni Eleazar bukod sa ipinadama niyang pagrespeto sa bawat opisyal at tauhan ng QC police force.

Kaya nga, kung ano ang puno, iyon din ang bunga. ‘ika nga.

Well, hindi lang sa paghuhuli ng kriminal, adik, pusher at sa iba pa nakapokus ang QCPD kundi ang panatilihin ang magandang imahe ng QCPD at pagrespeto ng mamamayan sa lokal na pulisya.

Oo nasusukat din sa ibang magandang accomplishment kung paano nakukuha ng QCPD ang respeto sa kanila ng mamamayan.

Isang magandang patunay na dapat ipagmalaki ay hindi nabubusalan ng salapi ang mga pulis ng Kyusi. Take note QC Mayor Bistek Bautista. Pare salamat uli – sa pagpapaayos mo sa QCPD Press Office. Ganoon din po sa inyo Boss Garry Domingo QC  BPLO chief, maging sa iyo Dr. Joie Sinocruz.

Kaya rin dumarami ang rumerespeto sa QCPD, patunay ang nangyari nitong nakaraang Sabado sa Fairview Police Station 5. May inarestong pusher  ang estasyon na pinamumunuan ni Supt. Alex De Jesus Alberto, sa Commonwealth Avenue, Brgy. Greater Fairview, QC.

Akalain ninyo, ang kapal ng apog naman nina Allan Bryan Panganiban at Ronalyn De Leon, kapwa ng Sunny Villas, Brgy. Greater Fairview, Quezon City. Nagpunta ba naman ang dalawa sa estasyon at tinangka nilang suhulan ng P50,000 ang mga pulis ng PS5 kapalit ng kalayaan ng naarestong kaanak nilang pusher na si Frederick Rejante.

Kaya ang resulta, kalaboso rin sina  Panganiban at De Leon at kinasuhan ng  paglabag sa Article 212 (Corruption on Public Officials), sa City Prosecutor of Quezon City.

Iyan ang QCPD, hindi nasusuhulan. Bakit? Dahil sa leadership ni Eleazar.

Kamakailan, apat na pulis-QC ang pinakasuhan ni Eleazar dahil sa pangongotong sa isang call center agent. Bukod diyan, itinapon ang apat sa Mindanao.

Sa ginawang aksiyon ni Eleazar laban sa apat, makikitang hindi kinokonsinti ni Eleazar ang mga tiwali niyang tauhan, dahil tiyak na may paglalagyan sila.

Meaning, walang puwang ang mga tiwali kay Eleazar – pulis man o sibilyan.

Supt. Alberto, sampu ng inyong mga tauhan, saludo po ang sambayanan sa inyo.

Nagkamali sila ng sinuhulan.

AKSYON AGAD – Almar Danguilan

About Almar Danguilan

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *