Erap serious na ba… sa paglilinis ng Maynila?!
Jerry Yap
November 22, 2016
Bulabugin
Isang traffic super body daw ang nilikha ni Erap, ayon sa isang praise ‘este press release na ipinadala sa atin ng Manila city hall.
Ito ‘yung super body na ang komposisyon ay mula sa Department of Public Safety (DPS), Manila Police District-Traffic Enforcement Unit (MPD-TEU), Manila Tricycle Regulatory Office, Office of the City Engineer, Manila Barangay Bureau, City Treasurer’s Office, and the Manila City Hall Action and Support Assignment (MASA), local transport groups, truckers associations, Parents-Teachers Associations (PTAs), city councilors, at barangay officials.
Kasama rin daw ang port operators na International Container Terminal Services (ICTSI) at Asian Terminals, Inc. (ATI) upang lutasin ang masikip na trapiko sa Maynila.
Aba, parang bigtime pasiklab itong praise ‘este press release na ito ni ‘Diego’ ng Maynila.
Puwede naman sana natin itong paniwalaan, kung malinis ang paligid ng Manila city hall.
E kaso nga hindi…
Kung uunahing linisin ng traffic super body ang illegal terminal sa Plaza Lawton, at diyan sa gilid ng city hall ‘e baka maniwala tayo na kaya nga nilang linisin ang Maynila.
Pati na ang nagkalat na snatcher/holdaper diyan sa A.O.R. ng PCP Lawton!
Umpisahan muna ninyong linisin ang malapit sa teritoryo ninyo para maniwala ang mga Manileño na seryoso at kaya na ninyong linisin ang Maynila!
Tapos ang usapan!!!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa JERRYAP888@YAHOO.COM. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap