DAHIL sa kaganapang ito sa buhay ni Robin ay lalolang tumitindi ang public opinion na “malakas” siya kay Digong.
Kaya pagkatapos ng presidential pardon, ang tanong ngayon ng marami:umubra rin kaya ang charisma ni Robin kung sakaling hilingin ng action star na asikasuhin naman this time ang kaso ng kanyang nakakulong na pamangkin na si Mark Anthony Fernandez?
No, malabong mangyari ‘yon sa bisa ng pardon mula sa Pangulo. The least that Digong can do marahil ay atasan ang mga nakasasakop na ahensiya ng gobyerno na mai-commute to a lesser term ang sentensiya kay Mark, at pahintulutang sumailalim ito sa drug rehabilitation.
This is a possible scenario, pero ‘yun ay kung—inuulit namin, kung—aarborin ni Robin ang kaso ni Mark para mahilot si Digong.
Oo’t naniniwala si Robin na dapat pairalin ang patas na batas, pero mayroon ding batas ng pang-unawang iginagawad sa taong karapat-dapat tumanggap nito.
HOT, AW! – Ronnie Carrasco III