Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jana Agoncillo, kaliwa’t kanan ang endorsement

BAKAS sa child star na si Jana Agoncillo ang kasiyahan sa lalong gumagandang showbiz career niya ngayon. Almost four years na siya sa showbiz at matapos magningning sa TV series na Ningning, ngayon ay napapanood siya sa Goin’ Bulilit at isa sa tampok sa pelikulang Mano Po 7.

Ano ang role mo sa Mano Po 7?  “Anak po nina Tita Jean Garcia at Tito Richard Yap at kapatid nina Ate Janella (Salvador) at Kuya Enchong (Dee). Happy ako kasi lumabas ako dati sa Everything About Her, pero guest lang po. Pero dito po ay mahaba na ang role ko, hindi na ako guest dito,” nakangiting wika ni Jana.

Masaya raw siyang katrabaho si Janella dahil iniidolo niya ang young actress.

“Kasi po idol ko po siya dati pa, tapos po ngayon nakatrabaho ko na po siya. Pinapanood ko siya noon sa Oh My G,” esplika pa ni Jana.

Si Jana ay nag-aaral sa Palanan Elementary School at ayon sa kanyang Mommy Peachy, masipag sa pag-aaral at hilig talaga ni Jana ang pag-aartista. “Grade 2 na siya, ayaw niyang mag-home study, gusto niya yung pumapasok talaga sa school.

“Kapag may taping nag-aabsent siya, pero kapag walang taping ay dire-diretso ang studies niya. Pero let’s say na diretso ang taping, ang ginagawa ng school-kasi mabait naman ang school niya-lahat ng lessons niya ay iniipon ng school, tapos ang gagawin ko ay kukunin ko sa kanila at dinadala ko sa taping para makapag-review si Jana. Saturday and Sunday ay may special class siya at pag may exams.

“Happy siya sa pag-aartista dahil talagang hilig niya. Minsan nga, parang ako ang napapagod sa kanya e,” nakangiting saad ni Mommy Peachy. “Lagi nga namin sinasabi sa kanya, ‘Magsabi ka lang kapag nasa point na feeling mo ay exhausted ka na…Basta happy ka sa ginagawa mo, sige lang.’ Masaya kasi siya sa ginagawa niya, e.”

Ano ang mga endorsements ni Jana at ano na ang mga naipundar na niya? “Iyong Ligo sardines, then nag-renew sa kanya ang Colgate, Moose Gear, Van’s Kids Philippines, at GAOC Dental. Itinatabi kasi namin ang kita ni Jana dahil para sa kanya naman iyon and kabilang dito ang condo, bagong car, at dalawang unit na ginawang grab.

“Hindi rin namin expected na ganito ang mangyayari kay Jana, kaya sobrang pasalamat talaga kami sa ABS CBN,” saad pa ng mother ng cute na child star.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …