Friday , December 27 2024

Ekonomista na ba si VP Leni Robredo?

NAGSASALITA ba si Vice President Leni Robredo batay sa kanyang sariling pagsusuri o mayroon lang siyang ‘urot’ na adviser na nag-uutos na magpahayag nang ganito o ganoon?

O umepal ‘este nag-feed lang ng praise ‘este press release ang kanyang media group na bigla namang kinagat ng ilang reporter?!

Hindi nga nag-beat ang inyong lingkod, pero marunong naman tayong magbasa at ‘yung tinatawag na “reading between the lines.”

Sabi sa isang pahayagan (hindi po tabloid at lalong hindi sa HATAW), “Marcos burial imperils Ph growth says Leni.”

Wattafak!?

Sinabi raw ito ni VP Leni bilang keynote speaker sa Philippine Investment Retail Conference.

Siyempre kung nagnenegosyo ang isang tao, importante ang balitang ito, kaya binasa ng inyong lingkod.

Pero wala po tayong nakitang lohikal na numero o matibay na basehan kung paano naiugnay ‘yung libing ni Marcos sa Philippine economic growth.

Gusto nating itanong kay VP Leni, noong nailibing na ba ang dating Pangulo na si Ferdinand Marcos, tumigil na rin sa pagkonsumo ang mga consumer?

Pinag-usapan ba nila sa Philippine Investment Retail Conference, na dahil inilibing sa Libingan ng mga Bayani si Marcos ay hindi na hahango ng produkto ang mga retailer sa wholesaler?!

Kung pinag-usapan nila ‘yan o sinabi o iniudyok ‘yan ni VP Leni sa nasabing conference, ibig bang sabihin na iyan ang basehan niya nang sabihin niyang,

“The risks we face now as a country have to do with divisiveness and senseless disregard for rule of law.”

Heto pa, “There are sectors in our society who insisted on carrying out this act, and therein lay the risk. Such divisiveness and political turmoil distract our economy from the work that would bring growth.

“And ultimately, it is those that are at the fringes of the economy—the last, the least, and the lost—who are the most vulnerable.”

Madam Leni, hindi pa naililibing si Makoy, tumataas na ang dolyares at bumababa na ang piso.

‘Yung sinasabi ninyong economic growth noong panahon ni PNoy, baka kayong mga taga-Liberal Party at mga kaanak lang ninyo ang nakaranas at nakapagpasasa?!

Sa mga Pinoy na umaasa sa kakarampot na kita mula sa kanilang araw-araw na pagtatrabaho, hindi nila maikonekta sa bituka nila kung ano ang ibig sabihin ng ‘growth’ na ‘yan?

Baka naman ‘growing poverty’ ‘yan at hindi ‘growth’ ang ibig sabihin po ninyo?

Magkaiba po ‘yung growing poverty at economic growth — pareho lang may grow.

Hehehe!

Anyway, pakisita at pakibatukan kung sino man sa adviser, speech writer o media people mo ang nag-utos sa iyo na basahin mo ang ganyang klaseng speech.

Walang sustansiya?!

Maliban, kung ‘yung mga alyado ninyong dilawan ay nag-uudyok na gamitin ang isyu ng Marcos burial para guluhin ang administrasyong Duterte?!

Ano sa palagay ninyo Madam Leni?! Hindi ka ba naman ‘nasusubuan’ ng mga kargadong impormasyon?

Ingat-ingat din VP Leni and be wise!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *