Sunday , November 24 2024

Derek Dee, may advocacy laban sa Hepatitis-C!

MALAKI ang naging epekto sa dating aktor na si Derek Dee nang magkaroon siya ng sakit na Hepatitis-C. Nangyari ito four years ago at dahil dito’y naging advocacy na niya ang pagsugpo ng sakit na Hepa-C.

“Well, it’s my advocacy, kasi four years ago I got a routine blood test and I got tested positive for Hepatitis-C. And if you are familiar with Hepa-C, it’s a slow killer. Parang, it eats up your liver overtime. During that time, four years ago, parang… there was no cure and there was only one treatment and parang fifty percent cure rate with deadly side effects pa, so I refused treatment.

“Pero last year I discover a drug, Harvoni at ang ganda ng ano e, its one pill a day, you take it for three months, no side effects and the cure rate is 97%. So I said, ‘It’s like going to a casino, hindi ba?’ If you have a 97% chance of winning, that’s a very good rate. Ang malas mo naman if you’re part of the three percent,” saad ni Derek na nagbida at naging producer sa ilang pelikula noong dekada 80.

Dagdag pa niya, “When I was diagnosed, sinabi ko na sa anak kong si Michelle at sa wife ko na I’m dying. Until I stumbled nga on this pill na ni-research ko rin and mayroon ng gamot ang Hepa-C. Very expensive siya and when I took it for months, had myself checked again, nawala siya.

“I guess I got it during my early teenage years sharing needles. Although for decades now, I no longer do drugs, Hepa-C was already in my system and I only knew it four years ago.”

Pabirong pahabol pa ni Derek, “Paki-clear lang, thirty years ago pa ‘yang paggamit at subok ko ng drugs, ha. Baka kasi mamaya may kumatok bigla sa pintuan ko at sabihin na user ako. Pero noong araw pa iyon, hippie ako noon, e.” nakatawang saad niya.

Sinubaybayan daw niya ang gamot na Harvoni hanggang lumabas ito sa market pero nalula siya sa presyo nitong one thousand dollars bawat tableta. Kaya sa tatlong buwan na pag-inom nito ay gagastos ang pasyente ng ninety thousand dollars! Ang katwiran daw ng manufacturer, mas mura pa rin ito kaysa sa liver transplant. Dahil alam ni Derek na maraming hindi kaya ang presyo ng naturang miracle drug, nakakita raw siya ng mga kompanya na kayang gumawa ng ganitong gamot sa presyong $800-$1,200 sa buong treatment na. Kaya ito ngayon ang advocacy ni Derek, na makatulong ipaalam sa publiko ang mga bagay na ito.

Ayon pa kay Derek, hindi naman daw niya totally isinasara ang pinto sa pagbabalik-showbiz. Katunayan, posible rin daw siyang magprodyus ng indie film ukol sa kanyang advocacy sa Hepa-C. Pero sa ngayon, sa krusada niya para sa mga may sakit ng Hepa-C muna siya nakatutok.

Para sa details, pls. visit www.hepcured.net at Facebook page, @hepcured.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Dating sexy male star napeke ni aktres

ni Ed de Leon GUSTO nang hiwalayan ng isang dating sexy male star ang kanyang asawa. Una, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *