Saturday , November 16 2024

Bata idinamay ng ama sa suicide (Dinamita pinasabog)

NAGKALASOG-LASOG ang katawan ng isang 4-anyos bata makaraan idamay sa pagpapakamatay ng kanyang ama sa pamamagitan ng pagpapasabog ng dinamita sa Vinzons, Camarines Norte nitong Sabado.

Patay na ang bata nang matagpuan sa tabi ng kanyang walang buhay na ama na si Alfonso Asis, 31, sa kama sa loob ng kanilang bahay sa Purok 2, Brgy. Singi.

Kuwento ng isa pang anak ni Alfonso, nagising siya sa malakas na pagsabog sa loob ng kanilang bahay at nakita niyang wala nang buhay ang ama at kapatid.

Naniniwala siyang nagpakamatay ang amang minero na marunong gumamit ng pampasabog, bagay na kinompirma ng kinakasama niyang si Ronabelle Talla.

Ayon kay Talla, nag-away sila ni Alfonso nitong Biyernes dahil sa selos at kung sino mangangalaga sa kanilang anak.

Pasado 8:00 pm nitong Sabado, nakausap niya si Alfonso sa cellphone at pinagbantaan siyang idadamay ang anak sa pagpapakamatay kung hindi siya uuwi sa loob ng dalawang oras.

Walang nakikitang foul play ang mga pulis sa insidente.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *