Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jacky Woo, mahilig sa lutong Pinoy kaya itinayo ang Kusina Lokal

TUNAY na may pusong Pinoy ang Japanese actor, director, producer na si Jacky Woo. Bukod sa itinuturing niyang second home ang ‘Pinas, gusto niya ritong mamalagi at magtrabaho sa local showbiz scene. Pati ang ganda ng Pilipinas at mga masasarap na pagkain sa ating bansa ay gustong-gusto at ipinagmamalaki ni Jacky.

Ngayon ay nagtayo na rin siya ng business sa ating bansa. Isang restaurant ito na ang pangalan ay Kusina Lokal. Ito’y nagtatampok sa masasarap na pagkaing-Pinoy sa halagang abot-kaya. Matatagpuan ito sa Unit 20, Eton Centris Walk, Quezon Avenue, EDSA, Quezon City. Bukas ito ng 24 hours at sa mga gustong magpa-deliver or para sa reservation, puwede silang tumawag sa 372-71-60. Kasama sa nakita naming kakaiba sa menu ang Boneless Pork Lechon Belly, Binagoongang Bagnet, Kaldereta at Kare Kare Corned Beef, Mushroom Chicharon, at iba pa.

Suportado naman ng mga taga-showbiz ang Japanese actor at dumating sa grand opening nito recently sina Jaclyn Jose na nag-cut ng ribbon, Direk Joel Lamangan, ang komedyanteng si Diego, at ilang cast sa Bubble Gang, si Direk Arman Reyes, at iba pa. Si Direk Joel ang nagdirek ng pelikulang Tomodachi na pinagbidahan ni Jacky.

Unang business venture mo ba ito sa Pilipinas? “Opo first time, first business ko ito sa Pilipinas at susunod na branch nito ay sa Davao,” saad niya sa amin.

Bakit niya naisipang itayo ang restaurant na Kusina Lokal? “Gustong-gusto ko kasi ang Philippine food, kaya magtatayo pa ako ng ibang branch ng Kusina Lokal. Ang sarap-sarap ng hangin dito, relax ako rito at yung pagkain, gusto ko talaga,” tugon ni Jacky na this time ay sa tulong na ng interpreter.

Dagdag pa niya, “Ito lang ang simula, pero dadalhin ko ito sa ibang bansa, all over the world.”

Magbubukas ka rin ba ng Kusina Lokal sa Japan? “Oo naman, siyempre,” aniya pa.

Anong Pinoy food ang paborito mo? “Lahat, tulad ng Crispy Pata, Bicol Express, Sinigang, Kare-Kare at iba pa.”

Sa ngayon ay napapanood si Jacky sa Bubble Gang ng GMA-7. Nabanggit niya kung gaano siya kasayang maging bahagi ng naturang gag-show. “Sobrang saya ko rito sa Bubble Gang, sobrang nag-eenjoy ako sa pagiging part ng show na ito.”

Abala rin ngayon si Jacky sa paggawa ng pelikula sa Europe titled Location Hunting. Wagi rin siya sa katatapos na Berlin International- Film Festival as Best Director sa Japanese film na Kaikou na sa Pilipinas kinunan at mga Japanese actors ang mga nagsiganap. Kaya sa -acceptance speech niya ay inialay ni Jacky ang pelikula sa mga Pinoy.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …