NAGBANTA si Pangulong Rodrigo Duterte na kakalas na rin sa International Criminal Court (ICC) gaya ng ginawa ng Russia.
Magugunitang kumalas sa kauna-unahang permanent war crimes court ng mundo ang Russia kasunod nang balak na imbestigasyon ng ICC sa ginagawang airstrikes sa Syria.
Sinabi ni Pangulong Duterte, kung magtatayo ang Russia at China ng bagong order o kaya organisasyon ay siya ang unang sasama.
“You know, if China and Russia would decide to create a new order, I will be the first to join.”
Sinasabing ang Filipinas ay nagsimulang maging miyembro ng ICC noong taon 2011.
“They are useless, those in the international criminal. They withdrew. I might follow. Why? Only the small ones like us are battered,” ani Duterte sa kanyang departure speech bago tumulak ng Peru para sa APEC Summit.
Samantala, sina Duterte at Putin ay inaasahang magkakaroon ng one-on-one meeting sa Peru.