PENDING the announcement ni mismong Pangulong Rodrigo Duterte ng pangalan ng mga celebrity na sangkot sa droga (‘yun ay kung isasapubliko pa ang listahang hawak umano ng PDEA) ayhindi pa rin nagbabago ang aming stand.
Bagamat marami sa mga taga-showbiz ang tutol sa public shaming, we are for the disclosure kung sino-sino ang mga artistang ‘yon provided (inuulit namin, provided), kailangang validated at updated ang talaang ‘yon.
Kung isa sa dalawang elementong ito ay wala, para na ring sinabing “malabnaw” ang listahang ‘yon. Both elements, sa aming paniniwala, must be satisfied.
Tulad na lang ng pagkakadawit ni Richard Gomez, now mayor of Ormoc City, Leyte. Mukhang hungkag sa masusing beripikasyon ang listahan damay ang actor-turned-politician.
Kung hindi pa limot ng ating mga kababayan, minsan nang tumakbong kinatawan ng Mababang Kapulungan si Richard sa ilalim ng party list na MAD o Mamamayang Ayaw sa Droga. May mga kumuwestiyon lang sa pagkandidato ni Richard, pero maliwanag ang kanyang ipinaglalaban.
Hindi pa man iniluluklok ng taumbayan ang ngayo’y Pangulo ng bansa, ang pagtakwil sa droga ang battlecry ni Richard many years ago.
Kaya hindi lang masasabing ironic kundi katawa-tawa pa ang isang taong may malakas na paninindigan kontra droga ay siya ngayong inaakusahang sangkot sa usapin (shades of Senator Leila Delima nananguna noon sa pagsugpo sa drugs when she was DOJ Secretary but is now being implicated sa isyung ito).
Tuloy, binansagang “ridiculous” at “laughable” ni Goma ang pagkakadawit sa kanya, na para sa amin ay mga malagihay (soft) na termino pa to describe his alleged involvement.
Kasabay nga nito’y nag-react at umalma rin si Congresswoman Lucy Torres-Gomez, damay din kasi ang kapatid niyang siMatthew. Laking gulat nga ni Tita Cristy Fermin dahil wala raw sa hilatsa ni Matthew ang ma-involve sa drugs (matatandaang matagal ding naging magkatrabaho sina Lucy at Tita Cristy sa TV5).
Again, we stand our ground. Maging sa himpapawid, sa araw-araw naming pagraradyo sa Cristy Ferminute, kapag pinapaksa namin ang tungkol sa isyu ng drugs ay iisa lang ang aming panawagan sa mga awtoridad: i-validate at i-update ng maraming beses ang kanilang drug watch list.
Kilalang vocal at palaban si Goma sa showbiz kahit noong wala pa sa politika, kaya hindi na kataka-taka kung pairalin niya ang ugaling ito.
Pero ang maybahay niyang si Lucy na prim at proper, for her to declare na sa husgado makararating ang nangyaring ito sa kanila ay hindi dapat ipagwalang-bahala ng mga taong dapat managot sa maling impormasyong ito.
HOT, AW! – Ronnie Carrasco III