Saturday , November 16 2024

Camp Crame alertado sa pagbalik ni Kerwin (Susi vs gov’t officials na sangkot sa illegal drug trade)

111816_front

NAKAALERTO na ang ang pamunuan ng Philipine National Police (PNP) sa Kampo Crame para sa pagdating ng hinihinalang top drug lord ng Eastern Visayas na si Kerwin Espinosa mula sa Abu Dhabi ngayong madaling araw.

Ayon kay PNP spokesperson, Senior Supt. Dionardo Carlos, kagabi hanggang ngayong madaling araw ay aabangan nila si Kerwin.

Dahil dito, magpapatupad nang mas mahigpit na seguridad ang Kampo Crame para sa pagdating ng high-profile na suspek.

Sinabi ni Carlos, daraan sa mahigit three layer ng security inspection ang mga miyembro ng media patungo sa national headquarters para sa nakatakdang presentasyon kay Kerwin.

Ang Headquarters Support Service ang naglatag ng seguridad.

Ayon kay Carlos, ang unang plano ay agad ihaharap sa media si Kerwin pagdating sa Camp Crame ngayong madaling araw.

Ngunit maaaring magbago at gawin ang press conference bandang 6:00 am.

Aniya, nais maiparating ng PNP sa publiko na nakarating na sa bansa ang hinihinalang drug lord at ligtas sa pangangalaga ng PNP.

Dagdag ng opisyal, kailangan higpitan ang seguridad kay Kerwin bilang isang high value target sa kampanya ng PNP laban sa ilegal na droga at para maiwasang mangyari kay Kerwin ang nangyari sa kanyang ama na si Albuera Mayor Rolando Espinosa.

KERWIN SUSI VS GOV’T
OFFICIALS NA SANGKOT
SA ILLEGAL DRUG TRADE

AMINADO si PNP chief Director General Ronald dela Rosa, hawak ni Kerwin Espinosa ang susi para mabatid kung sino-sino ang mga sangkot sa illegal drug trade sa bansa.

Si Kerwin ang tinaguriang top drug lord ng Eastern Visayas at pinaniniwalaang may malawak na koneksiyon.

Ayon kay Dela Rosa, napakahalaga ang magiging salaysay ni Kerwin lalo kung ibubunyag ang mga pangalan ng mga sangkot na opisyal ng pamahalaan, PNP officials at iba pa sa illegal drug trade sa bansa.

Iginiit ng PNP chief, si Kerwin ang susi para managot ang mga opisyal na sangkot sa ilegal na droga.

Una nang sinabi ni Dela Rosa, nagpahayag ng kahandaan si Kerwin para makipagtulungan sa pamahalaan lalo sa kampanya laban sa ilegal na droga.

MAG-IINA NI KERWIN
ILALAGAY SA PROTECTIVE
CUSTODY NG DOJ

KASUNOD nang inaasahang pag-uwi sa bansa ng hinihinalang drug lord na si Kerwin Espinosa mula Abu Dhabi, pinaplantsa na ng Department of Justice (DoJ) ang pagbibigay ng proteksiyon sa kanyang live-in partner at mga anak na kasama niyang tumulak patungong UAE para roon magtago.

Ayon kay Justice Undersecretary Erickson Balmes, kabilang ito sa mga concern ng DoJ dahil bukod kay Kerwin, aminado ang kagawaran na delikado rin ang buhay ng mag-iina.

Ang malinaw aniya sa ngayon, ang PNP-Anti-Illegal Drugs ang magbibigay ng proteksiyon kay Kerwin pagbalik niya sa bansa ngayong madaling araw. Pag-uusapan aniya ng DoJ at ng PNP kung kanino ibibigay ang protective custody sa mag-iina ni Kerwin.

Gayonman, sinabi ni Usec. Balmes, sa sandaling ma-qualify si Kerwin sa Witness Protection Program (WPP) ng DoJ ay siguradong pasok dito ang kanyang pamilya.

Habang sinabi ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre, sa kanyang pagkakaalam, hindi muna kasamang iuuwi sa bansa ngayong araw ang mag-iina ni Kerwin.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *