Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Benj Manalo, thankful sa pag-aaruga ng ABS CBN

PATULOY sa pagiging aktibo sa TV si Benj Manalo, anak ni Jose Manalo at nakababatang kapatid ni Nicco Manalo. Sa ngayon ay napapanood si Benj sa top rating series na Ang Probinsyano ng ABS CBN na tinatampukan ni Coco Martin. Gumaganap dito si Benj bilang cameraman ni Yasi Pressman na siya namang love interest ni Coco.

Nakapanayam namin si Benj thru Facebook at inusisa namin kung Rak of Aegis ba ang unang big project niya?

“Yes, Rak of Aegis po ang first ko na project after a long time na pagiging mananayaw, Napasali po ako roon noong tinawagan ako ng management ko which is Cornerstone at tinanong po nila ako kung gusto kong mag-audition bilang Tolits dahil kailangan daw po nila ng bagong Tolits for the 4th run ng Rak Of Aegis.

“So, nag-audition po ako at nakapasok, kasi para sa akin wala naman akong ginagawa that time at gusto ko po mag-explore at mag-perform sa ibat-ibang platform and sinuwerte po ako at natangap para gumanap Bilang Tolits,” aniya.

Paano ka naman napasok sa ABS CBN?

Sagot ng 29 years old na Kapamilya actor, “Nag-start ako sa ABS CBN dahil sa stint na ginawa ko from Rak Of Aegis, kinailangan ni Direk Antoinette Jadaone ng bagong character for the show On The Wings Of Love na ang bida ay sina James Reid at Nadine Lustre. So, kinuha niya po kami para maging part ng show tapos ayun po, don na ako nag-start.

“Hindi ko nga po ine-expect na aalagaan po ako ng Dreamscape at ABS CBN after ng On The Wings of Love. Pero sobrang pasasalamat ko sa kanila dahil sa tiwala na ibinibigay nila sa akin. Kaya malaki po ang utang na loob ko kina Sir Deo (Endrinal) at sa lahat ng bumubuo ng Dreamscape, kasi hindi nila ako pinababayaan.”

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …