Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Angeline, na-challenge sa pakikipagtrabaho kay Erik sa MMK

#LOVE remains. Natsika ko ng kapirot ang divang si Angeline Quinto na kasama sina Yeng Constantino, KZ Tandingan, at Kyla na hinusgahan ng madlang people na they are ready to take the world by storm sa kanilang Divas Live performances!

And after that, Angeline once more tries her hand in another venue she also does best—ang acting.

Ngayong Sabado, November 19, sila ng kanyang rumored boyfriend na si Erik Santos ang tampok sa isinulat na istorya ni Benson Logronio at idinirehe ni Garry Fernando.

Sabi ni Angeline, “Maganda po ang story ng episode namin. Very inspiring lalo po sa mga couple na may matinding pinagdaraanan. Na kahit anong mangyari, kapag kayong dalawa talaga ang destiny walang iwanan.”

Ang pakikipagtrabaho sa closest na tao sa kanya ngayon.

“Talagang very challenging po ‘yung role para sa amin ni Erik. First time po namin magkatrabaho sa pag-arte, talagang pareho kaming nagtutulungan. Kapag may hindi naiintindihan si Erik ipinaliliwanag ko po sa kanya gayundin ang director namin na si Direk Garry na ilang beses ko na rin pong nakatrabaho.”

Kasama nina Angeline bilang si Malou at Wrik as RM sina Lotlot de Leon, Allan Paule, Sharmaine Suarez, Kyra Custodio, Fourth Solomon, at Zachie Rivera.

Nag-krus ang landas ng caring at sensitive girl at happy-go-lucky guy na nagka-inlaban, nagpakasal at bumuo ng pamilya. Nagtrabaho sa Abu Dhabi si RJ pero na-comatose ito dahil sa cardiac arrest.

Ibinalik si RJ kay Malou sa aktong nawala na ang lahat ng mga alaalang pinagsaluhan nila kahit pa naka-recover na si RJ.

Nananatili ba ang katatagan ng kanilang pagmamahalan?

HARDTALK – Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …

Alden Richards

Alden  pang-international na bilang artista at producer

RATED Rni Rommel Gonzales KASAMA ang kanyang buong pamilya ay sa Amerika nagdiwang si Alden Richards ng …