Sunday , April 13 2025

2 pulis sugatan sa ‘stalker’ na nanlaban

111816_front
DALAWANG pulis ng Criminal Investigative and Detection Unit (CIDU) ang nasaktan at nasugatan sa iba’t ibang bahagi ng katawan matapos manlaban ang inaarestong lalaki na inireklamong ‘stalker’ habang isinisilbi ang warrant of arrest sa paglabag sa Republic Act 9262, Violence Against Women and Children (VAWC) Act.

Nitong Sabado, bigla umanong inatake ng supek na kinilalang si Rovic Canono sina SPO1 Luisito Ubias at PO2 Mario Morales matapos magpakilalang alagad ng batas na magsisilbi ng warrant habang sinasabi ang Miranda Doctrine at pinayuhan na may karapatang kumuha ng sariling abogado.

Sa sinumpaang salaysay ni Ubias at Morales, maayos umanong ipinakita ng mga miyembro ng PNP-CIDU sa suspek ang kanilang mga ID at pinakiusapan si Canono na kusang sumuko at tawagan ang kanyang abogado.

Ngunit imbes tumalima sa pakiusap ng mga umarestong pulis, inatake ng suspek ang mga pulis na nagresulta sa mga sugat at pasa ng mga biktima.

Sa rekord ng hukuman, nagsumite ng mosyon sa hukuman ang akusado upang ipatigil ang pagsasakdal o arraignment at tuluyang ipawalangbisa ang mga hablang isinampa sa kanya ngunit ibinasura ito ng korte dahil sa kawalan ng merito at iniutos ang pagdakip.

Inihabla si Canono ng kanyang dating asawa dahil sa paglabag sa Section 5(h) at Section 5(i) ng batas laban sa karahasan sa kababaihan at mga bata o ang VAWC law.

Kabilang sa mga ipinagbabawal ng Section 5(h) ang stalking o ang paniniktik sa galaw ng isang babae o bata sa pampubliko o pribado mang mga lugar; paninilip sa bintana o pananatili sa labas ng bahay-tirahan ng isang babae o bata; pagpasok o pananatili sa loob ng tirahan o pag-aari ng isang babae o bata; at pangha-harass, panggigipit at paggawa ng karahasan.

Itinuturing na kriminal na gawain alinsunod sa Section 5(i) ng VAWC law, ang pagdudulot ng mental o emosyonal na pagdurusa sa isang babae o bata kasama ang paulit-ulit na verbal at emosyonal na pang-aabuso at pagkakait ng pinansiyal na suporta at pag-iingat o kustodiya ng mga anak na hindi pa sumasapit sa tamang edad at pagkakait na makita ng isang ina ang kanyang mga anak. Kapag napatunayang nagkasala, maaaring makalaboso si Canono mula anim hanggang 12 taon sa piitan.

Bukod sa mga kasong isinampa ng kanyang asawa, nahaharap din si Canono sa karagdagang habla dahil sa panlalaban at pagtangging maaresto, batay sa reklamo ng mga pulis na “direct assault” at “disobedience to persons in authority.”

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

No Firearms No Gun

Apat na sundalo na may tatargetin tiklo sa gun ban

APAT na aktibong sundalo ang inaresto sa San Simon, Pampanga, dahil sa paglabag sa Republic …

cal 38 revolver gun

Dalawang motornapper arestado; kalibre .38  nakumpiska

NAARESTO ang dalawang lalaking tirador ng motorsiklo na nagbabalak na namang umatake sa Santa Maria, …

Kerwin Espinosa

Self-confessed drug lord Kerwin Espinosa na tumatakbong alkalde sugatan sa pamamaril

ANG SELF-CONFESSED drug lord na si Kerwin Espinosa, na kasalukuyang tumatakbo sa pagka-alkalde ng Albuera, …

Hepe ng BENRO kinilala ang papel ng mga kawani sa tagumpay ng tanggapan

Hepe ng BENRO kinilala ang papel ng mga kawani sa tagumpay ng tanggapan

SA LAYUNIN na itaas ang moral ng mga empleyado at kilalanin ang kanilang mahalagang kontribusyon …

PRC LET

Specialized Licensure Examinations tugon sa Teacher-Subject Mismatch

IKINATUWA ni Senador Win Gatchalian ang paglagda ng isang joint memorandum circular sa pagitan ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *