Saturday , November 23 2024

Goma biktima ng truth and consequences

111816-richard-gomez-lucy-torres
PORMAL na naghain ng reklamo si Ormoc city mayor Richard Gomez, kasama ang kanyang kabiyak na si Rep. Lucy Torres sa National Police Commission (NAPOLCOM) laban kay Albuera police, C/Insp. Jovie Espenido, dahil sa pagsasangkot sa kanya sa Espinosa drug syndicate. Sinuportahan si Gomez ng kanyang constituents at mga tagahanga sa paghahain ng reklamo. (RAMON ESTABAYA)

MATAGAL na nating sinasabi na kailangan nang mahuhusay, magagaling at tapat na intelligence group or network na karapat-dapat italaga sa giyera ni Pangulong Digong laban sa ilegal na droga.

Sa pamamagitan nito, walang makapapasok na basurang impormasyon para sa tuloy-tuloy na kampanya laban sa ilegal na droga.

Ang nagaganap ngayon na pagkakadawit ng pangalan ng actor/politician na si Richard Gomez a.k.a. Goma sa Espinosa drug syndicate ay kahinaan ng intelligence group.

Lumalabas na ang nagdadawit kay Goma ay isang police official na si C/Insp. Jovie Espenido na tumulong umano kay Albuera Mayor  Rolando Espinosa Sr., sa pag-i-execute ng affidavit na naglalantad sa mga public official na kasabwat ni Kerwin Espinosa sa sindikato ng droga.

Pero inaamin din mismo ni Espenido, mayroon silang personal grudge ni Goma.

Sabi niya, “Kasi sa akin naman galit si Mayor Richard. Maski wala pa iyong affidavit ni Mayor Espinosa, talagang pinipersonal ako ni Mayor Richard,” ani Espenido sa panayam sa radyo.

Sabi ni Espenido ‘yan.

‘E hayop naman pala talaga ang mga linya, parang pelikula.

Kung ganito ang situwasyon, hindi kaya si Goma ay tila naiipit ngayon sa larong truth or consequences dahil sa away nila ni Espenido?

‘Yan naman ay kung kokompirmahin ni Goma na may away nga sila.

‘Yun bang tipong kapag ayaw mag-truth ni Goma, pipiliin niya ang consequences.

At ‘yung consequences na iyon ay iyong sinasabi ni Espenido na kasama si Goma sa affidavit ng pinaslang na si Mayor Espinosa.

Mukhang hindi nga dapat bitawan ng Senado ang imbestigasyon sa pagkakapaslang kay Mayor Espinosa. Dahil marami silang matutuklsan kung sino ang nasa likod ng pamamaslang.

At higit sa lahat, kung ano ang motibo ng pamamaslang.

Paano makatitiyak ang higher authorities sa authenticity ng affidavit ng pinaslang na si Mayor Espinosa?!

Baka kamukat-mukat natin ‘e pati pangalan ni Presidente Rodrigo “Digong” Duterte ‘e nakalista na sa affidavit ni Espinosa?

Hindi kaya?

Hindi ba’t mayroong tatlong akusado na nagsasabing si Espenido at isa pang babaeng police officer ay sangkot sa fabrication ng kanilang original affidavit?

Pero ayon kay Espenido, ang bagong affidavits ay sinumpaan sa harap ni Atty. Adelito Solibaga Jr., na sinabing abogado ni Goma nitong nakaraang May elections.

Ayan na, nagsasalimbayan na naman ang katotohanan at tit for tat sa propaganda, ano ang panghahawakan ng publiko kung ano ang katotohanan?

Kaya ‘yan po ang sinasabi natin.

Dapat ang Pangulo ay mayroong malalakas, magagaling at tapat na intelligence group, madali niyang malulutas ang mga isyung gaya nito.

‘Yan ay para maigawad ang katarungan matapos dumaan sa makatuwirang proseo ang pagmamanman.

Mapalad si Goma na mayroon siyang finance and logistics para ipagtanggol ang kanyang sarili.

Paano ‘yung mga wala?

Umaasa tayo na mapagtutuunan ng pansin ni Pangulong Digong ang ganitong mga insidente.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *