Thursday , December 25 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pagkukompara kina Kris at Mocha, ‘di tama

DAHIL hindi nasipot ni Pangulong Rody Duterte ang scheduled one-on-one interview sa kanya ni Kris Aquino noong Biyernes, maagap ang mga netizen sa pagkukompara sa kaso ng dating Presidential Sister at ni Mocha Uson.

Kung matatandaan, Mocha was privileged to interview Digong. Ang panayam na ‘yon which Mocha posted herself had gone viral.

Ayon sa mga netizen, obviously sabi ng mga anti-Kris, mas masuwerte pa raw si Mocha compared to Kris. Naturingan pa man din isang de-kalibreng TV host si Kris—as opposed to Mocha na isang sexy entertainer—pero hindi napaglaanan ng oras ni Digong.

Sa pagkakataong ito’y gusto naming ipagtanggol si Kris on these accounts:

Una, magkaibang-magkaiba ang sitwasyon kung kailan nagkaroon si Digong ng time to be interviewed by Mocha. ‘Yun ‘yong panahong the then-newly elected President needed all forms of media para ilatag ang kanyang mga plano sa bansa.

Nito lang ang kay Kris, it’s been months since nakaupo ng pinuno ng bansa si Digong. Given this, anong bagong nais marinig ng taumbayan mula kay Digong? Issue on drugs?

Pero may mga itinalaga na siyang mga tao at institusyon para rito.

Huwag sanang haluan ng kulay-politika ang “pang-iisnab” ni Digong kay Kris just because kapatid ito ni dating Pangulong Noynoy na hindi sumuporta sa presidential bid ni Digong.

For sure, Digong would have wanted to show up but his terrible migraine just wouldn’t permit him to make it to the interview in flesh and blood.

Kahit no-show ang Pangulo, in fairness, ipinakita lang ni Kris na propesyonal siya. Hindi siya nag-walk out. She proceeded with her hosting job dahil commitment ‘yon.

Kung may sinasang-ayunan man kami sa usapin involving Mocha, ‘yun ay ang biglang-kambyo stance ni Kris tungkol sa mga magsasaka gayong makasaysayan ang nangyaring gulo sa Hacienda Luisita na pag-aari ng kanilang angkan.

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …