Sunday , April 6 2025

Firing squad kay De Lima (‘Pag napatunayan sa droga) – VACC

DAPAT patawan ng kamatayan si Senadora Leila de Lima kapag napatunayan ang kanyang koneksiyon sa illegal drug trade sa New Bilibid Prison (NBP), ito ang giit kahapon ng anti-crime watchdog.

Sinabi ni Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) founding chairman Dante Jimenez, ang pagkakasangkot ni De Lima sa pagkalat ng illegal drugs sa loob ng NBP ay maikokonsidera bilang heinous crime na maaaring patawan ng kamatayan.

“Ganoon ang lalabas, kasi illegal trafficking ito e, kasi imagine, drug trade sa New Bilibid Prison tapos opisyal ka pa,” aniya.

Isinusulong ng VACC ang death penalty sa pamamagitan ng firing squad, para sa mga kasong plunder at iba pang heinous crimes at malaking multa para sa convicted public officials.

Magugunitang sinampahan ng kasong kriminal ng grupo at disbarment case si De Lima kaugnay sa sinasabing pagtanggap ng drug pay-offs mula sa high-profile inmates.

Itinanggi ni De Lima ang mga akusasyon, idiniing ang hakbang ng VACC ay bahagi ng smear campaign sa pangunguna ni Pangulong Rodrigo Duterte na kanyang binatikos kaugnay sa giyera kontra droga sa bansa.

De Lima has denied any wrongdoing and claimed that the VACC’s moves are part of a smear campaign headed by President Duterte whom she had criticized for waging a brutal war on drugs.

Noong maging
sila ni Dayan
PAREHO KAMING
HIWALAY SA ASAWA
– DE LIMA

IGINIIT ni Sen. Leila de Lima, walang basehan ang ano mang alegasyon ng imoralidad laban sa kanya, sa kabila ng pag-amin na nagkaroon sila ng relasyon ng driver na si Ronnie Dayan.

Ayon kay De Lima, nilalagyan lang ng malisya ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre ang lahat ng bagay.

Malinaw aniya sa resolusyon ng Court of Appeals (CA) na annuled na siya sa dating asawa, habang hiwalay din sa dating maybahay si Dayan.

Naniniwala si De Lima, mapapahiya lamang ang mga nagsusulong ng kaso laban sa kanya, dahil sa huli ay mapapatunayan din niya na mali ang lahat ng paratang ng kanyang mga kritiko.

About hataw tabloid

Check Also

Pagkakaisa panawagan ni Revilla

Pagkakaisa panawagan ni Revilla

NANAWAGAN si re-electionist Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr., ng pagkakaisa sa gitna ng kinahaharap na …

Pamilya Ko Partylist inendoso sa Maynila

Pamilya Ko Partylist inendoso sa Maynila

INENDOSO at suportado nina Manila running councilor Pau Ejercito at Malou Ocsan ang Pamilya Ko …

Shamcey Supsup-Lee

Shamcey-Lee para sa Konseho sa Pasig, dinagsa ng suporta

LUMALAWAK ang suporta ng  kababaihan sa kandidatura  ni Shamcey Supsup-Lee bilang kinatawan ng unang distrito …

MNL City Run Presents Elorde The Flash Run 2025 – Run Like A Champ FEAT

MNL City Run Presents: Elorde The Flash Run 2025 – Run Like A Champ

Unleash Your Inner Champion, Run for a Cause! Get ready to lace up, push your …

NAITAS DOT magkaakibat para sa Takbo Para Sa Turismo

NAITAS, DOT magkaakibat para sa “Takbo Para Sa Turismo”

ANG National Association of Independent Travel Agencies (NAITAS) at ang Department of Tourism (DOT) ay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *