KINOMPIRMA ni Pangulong Rodrigo Duterte, tuloy ang kanyang bilateral meeting kay Russian President Vladimir Putin sa sidelines ng APEC Leaders’ Summit sa Lima, Peru ngayong linggo.
Sinabi ni Pangulong Duterte kamakalawa ng gabi, siya mismo ang humingi ng bilateral meeting kay Putin at iginiit sa Russian ambassador ang kanyang pagnanais makausap ang Kremlin leader.
Ayon kay Pangulong Duterte, wala siyang ibang babanggitin kay Putin kundi ang hangaring makipagkaibigan.
Partikular na ilalapit ni Duterte kay Putin ang pagpapalago sa trade relations ng Filipinas at Russia.
“Matuloy ho. Ako nanghingi niyan. Tonight I had a long talk with the ambassador of Russia I reiterated my desire to meet Putin,” ani Pangulong Duterte.
“Wala. Wala man akong hingiin. I want to be friends with him. I just want the two countries to be on a the best of friends, and this is an economic world. If there are things that we can sell them or export them, sa kanila e ‘di mas maganda and if there are things that they own or they can sell to us, and it is obvious to, it can be put into good use then we can buy those things. Things that are needed.”