Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Arjo, pinuputakte ng blessings

NAIINTINDIHAN namin kung bakit ganoon na lamang kasaya si Arjo Atayde sa Axe Park bilang parte ng Axe Black Concept Store kamakailan. Dagdag na naman kasi ito sa maraming blessings na dumarating sa kanyang career, bukod sa FPJ’s Ang Probinsyano, OTJ The Series, Best Supporting Actor trophy sa Star Awards for TV, at iba pa.

Sabi nga ni Arjo, magandang birthday gift ang pagkakakuha sa kanya para sa Axe Black Concept Store.

“Very blessed ako kasi obviously from ‘Ang Probinsyano’ to Hammerhead, and then Cathy Valencia came in, then I have Suit It Up Manila.

“Tapos, I have pa Axe Black Concept Store, then ‘OTJ (The Series)’. So, all the things are happening at the same time, so I’m very blessed, I’m very thankful, of course, I’m very happy,” anang binata.

Ang Axe Black Concept Store campaign, ani Arjo ay, “We’re three people. They gave us a concept store and I’m last one to do it.

“Ang ibinigay sa akin is athleisure, that’s the concept of my store. So, athleisure, sa word pa lang athlete, they got it from siguro from my Instagram, they saw me doing sports.

“’Yun nga no matter what I do kasi, kahit may taping everyday, isinisingit ko pa rin sa schedule ko para makapaglaro ng football.

“So it’s actually a perfect concept for me.

“Tapos ‘yung items and products that we’re selling are all related to sports, like towels, waterjugs, caps, bomber jackets and more.”

Sambit pa ni Arjo, pagkatapos ng VIP night noong Nobyembre 12-13, ibubukas na iyon sa publiko na maaaring makabili ang fans na nagnanais magkaroon ng produktong nabanggit.

Samantala, sinuportahan si Arjo sa event na iyon ng kanyang inang si Sylvia Sanchez kasama ang kapatid na si Ria gayundin ang kanyang Mamita Pilar Atayde, pinsan, at mga kaibigan. Hindi raw nakadalo ang daddy Art niya dahil may importanteng meeting iyon.

Actually, kakagaling lang ng taping ni Ibyang (tawag kay Sylvia) nang gabing iyon, pero dahil may event ang anak ay hindi na siya nagpahinga. Nagbihis lamang siya at nagtungo agad sa venue.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …