Friday , December 27 2024

Senate President Koko Pimentel binutata si secretary Martin Andanar

Mukhang hindi nakatutulong ang mga estilo ni Communications Secretary Martin Paandar ‘este Andanar para ipagtanggol si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte sa isyu ng paglilibing kay dating pangulong Ferdinand Marcos.

Kung tutuusin, mas dapat na diinan ni Paandar ‘este Andanar ang batas na ginamit na salalayan ng Pangulo sa kanyang desisyon na pumapayag siyang ilibing sa Libingan ng mga Bayani (LNMB) ang dating Pangulo na tinawag na diktador at promotor ng Martial Law.

Ang matindi, nag-side comment pa si Paandar ‘este Andanar.

“Temperamental brats” daw ‘yung mga nagrarali laban sa paglilibing kay Macoy.

Bigla tuloy nag-react si Senate President Koko: “Bumalik ka sa pag-aaral ng kasaysayan!”

Kulang na lang sigurong sabihin ni Senator Koko, “vacuum ang utak mo!”

Anyway, hindi dapat ginagaya ni Sec. Andanar ang estilo ng Pangulo.

Iba si tatay Digong.

Nakapundar sa pinanday na personalidad ng Pangulo ang pagbigkas niya ng mga katagang sumasaltik sa pinatatamaan.

Kaya itinalagang ‘Communications’ Secretary si Andanar ‘e para ipaunawa sa publiko ang mga desisyon ni Digong.

Hindi siya dapat nakikipag-away lalo sa maseselan at sensitibong isyu ng Martial Law at paglilibing kay FEM.

Kaya nga siya communications secretary, ‘di ba?

Sa ganang atin, gusto lang po namin ulitin ang sinabi ni Senate President Koko kay Secretary Andanar: “So Martin Andanar should review his history…”

And please talk intelligently.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *