Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pagso-sorry ni Prince, dineadma ni Aljur

AMINADO si Prince Stefan na mali ang ginawa niyang paglalahad sa podcast ni Mo Twister na Good Times with DJ Mo Twister ukol sa pagkalalaki ni Aljur Abrenica nang magkasama sila sa isang out of town gig ilang taon na ang nakararaan.

Naikuwento kasi ni Prince ang naganap nang minsang nagkasama sila ni Aljur sa bath tub (ito ‘yung time na baguhan pa lamang sila at magka-batch sa Starstruck at lalaki pa siya).

Ani Prince, pareho silang naka-brief noon ni Aljur at dahil noon pa ma’y beki na siya, nilandi-landi niya ang actor hanggang sa nakahalata iyon isa at na-awkward kaya umalis sa bath tub.

Tinanong ni DJ Mo kung malaki ang private part ni Aljur at sinagot niya iyon ng, “hindi masyado”.

Kaya naman naging usapin ang sinabing iyon ni Prince na marami ang nag-judged na ang tinuran niyang iyon ay nangangahulugang “maliit” ang kay Aljur.

Sinagot iyon ni Aljur at sinabing baka ugat lang ang nakita ni Prince.

“Nag-sorry na ako sa kanya, nagbigay pa ako ng cake,” sagot agad ni Prince nang mausisa ang tungkol sa kanila ni Aljur sa presscon ng Working Beks noong Linggo sa Viva office sa Madrinan, Quezon City.

Ani Prince, na-realize niya ang pagkakamali.

“Sana, hindi ko na lang sinabi. May nakarating sa akin na sana, hindi na nakarating sa ganoong level na i-explain ko pa kung anong size ng kanya. ‘Yung part na ‘yun, medyo mali ako roon. Dapat ‘di ko na. . .

“Kasi, si Mo naman kasi ang nagtanong, eh. Out of nowhere, ‘malaki ba? Malaki ba?’ Sabi ko, ‘hindi masyado’. ‘Yun ang sinabi ko. Wala akong sinabing maliit.

Kaya naman daw nag-sorry na siya sa nangyaring iyon kay Aljur pero hindi raw nag-reply ang actor.

“I’m sure, hindi naman siya super-galit. Light lang ‘yun,” ani Prince na pinadalhan pa raw niya ng cake ang actor.

Sa kabilang banda, masaya si Prince na finally ay nakapag-out na siya  sa kanyang tunay na kasarian. Napaganda pa nga raw ang pag-a-out niya dahil dumagsa ang offer sa kanya. Bago ang Working Beks, lumabas muna siya sa Till I Met You ng ABS-CBN.

At dito sa Working Beks, excited si Prince dahil isang bading na call center agent na walang ginawa kundi ang makipag-sex kung kani-kanino ang role niya.

Pero nilinaw ni Prince na hindi naman siya tulad ng karakter niya sa pelikula na puro sex lang ang laman ng utak. Mayroon daw siyang boyfriend ngayon at maligaya siya sa piling nito kaya hindi na siya naghahanap ng iba. Loyal din siyang partner kaya walang dapat ipag-alala ang kanyang dyowa.

Isa sa bida si Prince sa Working Beks mula sa Viva Films at kasama niya rito sina John Lapus, TJ Trinidad, Edgar Allan Guzman and Joey Paras mula sa direksiyon ni Chris Martinez. Showing na ito sa Nov. 23.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …