NAPA-“HA?!” at napa-”Tsk, tsk, tsk…” na lang kami sa pinaghalong pagkagulat at panghihinayang nang mabalitaan naming isa rin palang ka-federacion ang isang mestisong aktor.
Kung tutusi’y noon pa man napapabalitang beki ito, pero mismong ang “booker” niya ang nagbisto na confirmed ang tsismis.
In fact, nagpa-book daw sa kanya ang beki actor whose picture ay nakita namin mismo. Isang poging varsity player ng isang university sa southern part ng Metro Manila ang guy.
At take note, ang halagang ibinayad lang naman ng beki actor sa guwapong manlalaro ay to the tune of P20 kiyaw!
Da who ang beki actor na for sure ay hindi n’yo akalaing nadagdag sa humahabang listahan ng mga bayot sa showbiz? Itago na lang natin siya sa alyas na Xavier L. Imperial.
( Ronnie Carrasco III )