Friday , December 27 2024

LA Santos, Starmusic artist na, pasok pa sa I-Pop Hollywood!

PATULOY ang pagdating ng magandang kapalaran sa guwaping na newcomer na si LA Santos. Bukod kasi sa pagiging Starmusic artist ni LA at sa paglabas ng debut album niya next month, ang talented na newbie ay pasok din sa I-Pop Hollywood.

Tinaguriang The Boy Next Door, si LA ay na-ging bahagi ng maraming concerts, kabilang dito ang pagiging front acts sa mga world renowned group tulad ng The Stylistics at Air Supply na ginanap sa Solaire Resort and Casino.

Ano ang feeling mo na Starmusic artist ka na? “Of course po, it feels very good po. And I know na marami pa rin po akong magagawa to improve myself as a person and as an artist po,” nakangiting saad niya.

Dagdag pa niya, “Masarap po sa feeling at siyempre ay nakaka-proud din po na magtiwala sila sa akin. Happy po ako dahil nakita kong na-ging happy ang mommy ko at ang mga taong involve rito.

“Parang feel ko po ay blessed talaga ako and of course alam ko sa sarili ko na umpisa pa lang ito at marami pa akong dapat na gawin. Siyempre, wala pa talaga ako roon pero I will always do my best po. And I hope you will look soon sa future projects ko po at sa album ko,” saad pa ng 16 year old na binatilyo na kasalukuyang Grade 10 sa UST.

Ayon naman sa proud mother ni LA na si Mommy Flor Santos, matindi ang pinagdaanan ng anak niya bago nakapasok sa sa I-Pop Hollywood. “Isa si LA sa sampung nakapasok sa I-Pop Hollywood sa out of 5,000 na nag-audition. Kaya sa January next year ay sasabak siya sa boot camp ng I-Pop Hollywood na pinanggali-ngan din ng sikat na international singer na si Ariana Grande at ng ilang Asian casts ng High School Musical,” saad ni Mommy Flor.

Ano ang reaction niya na finally ay may album na ang kanyang anak? “I am the happiest mom on earth! Hindi ma-imagine na yung simple dreams naming mag ina, that he sings on stage ay magiging totoo. He is just a happy boy who loves to sing anyting without memorizing the ly-rics, pero feel ko, music talaga ang ginagalawan nya, kasi he sings from the heart. Feel na feel mo ‘pag love song at mapapa-jamming ka ‘pag RNB or Pop ang kinakanta nya.

“I thank God for His gift for my son, we will do our best to cherish and explore His gift and make sure that it will be used as a tool to inspire others,” wika pa ni Mommy Flor.

Ang ilan sa cuts sa album ay ang Mine, Ms. Terror, One Greatest Love, Break-Up Day, at iba pa. Kasali rin dito ang When I Was Your Man ni Bruno Mars na orchestra ang nag-akompanya kay LA, Hanggang Kailan ni Angeline Quinto at Forever is Not Enough, ka-duet ng younger sister niyang si Kanishia Santos na isa pang napakahusay din sa kantahan.

Happy naman si Joel Mendoza, isa sa mentor ni LA at producer ng album sa talent nito at pagiging dedicated sa kanyang craft bilang singer.

Ang bossing naman sa Starmusic na si Jonathan Manalo ay pinuri rin si LA. “Si LA ay bata pa at ang boses niya ay may distinct style. So, very promising, napaka-versatile niya dahil kaya niyang mag-tackle ng ballad at up-beat na song. Tapos ay interesting din ang personality ni LA, kaya masasabi ko na Starmusic material si LA.”

ALAM MO NA! – Nonie V.  Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Sue Ramirez Dominic Roque

Dom at Sue exclusively dating

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ABA’Y date movie na rin lang ang usapan, sure na sure …

Miles Ocampo Elijah Canlas

Balikang Elijah at Miles posible, nahuling naghahalikan

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AT dahil kumalat na naman sa socmed ang “kissing scene” ng …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *