KALIBO, Aklan – Patay ang isang mister makaraang magbaril sa sentido nang tumangging makipagsiping ang kanyang misis sa Brgy. Agmailig, Libacao, Aklan kamakawa.
Agad binawian ng buhay ang biktimang si Ernani Santiago, 33, residente ng naturang lugar.
Base sa imbestigasyon ng pulisya, galing sa isang okas-yon ang biktima kasama ang kanyang misis na si Marialyn at bunsong anak at nang makauwi ay gustong sumiping sa kanyang asawa.
Nang tumanggi ang ginang biglang lumabas ang biktima mula sa kanilang kuwarto at agad itinutok sa kanyang sentido ang .22 caliber magnum saka pinaputok.