Saturday , November 23 2024

Sen. Ping Lacson hindi bibitawan ang imbestigasyon sa pagkamatay ni Albuera Mayor Rolando Espinosa

HUWAG muna natin tawaging extrajudicial killing (EJK), para hindi matawag na bias.

Sabihin na lang muna nating mayroong iregularidad kung paano nakapasok ang 15-kataong police force (CIDG) sa selda ni Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr.

Sa bilang pa lang ng pulis na papasok sa selda, nakanenerbiyos na para sa ibang preso.

Mantakin ninyo 15 pulis na armado?

Parang Bilibid ba ang selda sa Baybay, Leyte kaya kailangan nang ganoon kalaking puwersa para magsilbi ng search warrant?!

Habang naninindigan ang Executive branch na paninindigan nila ang ginawa ng pulisya, sinabi ni Senator Panfilo “Ping” Lacson, itutuloy at tatapusin niya ang Senate investigation sa pagkamatay ni Espinosa bilang chairman ng Senate committee on pubic order and dangerous drugs.

Sa ganang atin, wala tayong nakikitang lapses o komplikasyon kung ituloy man ni Sen. Ping ang imbestigasyon sa pagkamatay ni Espinosa.

Ang layunin ni Sen. Ping ay para lumabas ang katotohanan.

Mahirap ‘yung maraming nagsasalita na rubout, overkill, o extrajudicial killing nang hindi dumaan sa proseso ng imbestigasyon.

Sa pamamagitan ng imbestigasyon, lalabas kung ano ang tunay na nangyari.

At ‘yun ang importante, ang lumabas sa publiko kung ano ang tunay na pangyayari sa likod ng pagkakapaslang kay Mayor Espinosa.

Kilala naman natin lahat si Senator Ping. Hindi bumabali sa kanyang mga sinasabi.

Ang tanong, ilan ang ulong gugulong, kapag nagkataon?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *