PARANG kailan lang ba ‘yun nang nasa UNTV37 kami ng kaibigan kong si Peter Ledesma.
Honestly, it was the peak years of our showbiz career when we could feel our career soaring high and all because of Kuya Daniel Razon’s norturing, loving guidance and caring ways.
Dati talaga, nagugulat na lang kami habang nakapila sa KFC dahil may mga taong lumalapit sa amin para sabihing napanonood nila kami sa UNTV37. Kahit sa SM city ay napapalingon ang mga taong ‘di namin kilala dahil nanonood pala ng Good Morning Kuya at well followed din ang “Chika Mo, Chika Ko” namin nina Peter L. at Natasha Ledesma.
Those were the days when the treatment of some people in the biz would suddenly change. Tulad nga nang sinabi ko kanina, may mga taong bigla na lang lumalapit sa amin para sabihing they love to watch us at UNTV’s Channel 37. Tuwang-tuwa raw sila kapag sinasaway na kami ni Kuya Daniel dahil sa mga nakalolokang eksena namin sa Good Morning Kuya at maging sa Chika Mo, Chika Ko.
Hindi ko rin makalilimutan tuwing magbi-birthday ako sa UNTV, biglang magdaratingan ang mga pagkain at lechon coming from some people who were watching our show.
Memorable rin sa amin nang mag-anniversary ang UNTV sa Marikina at nagprograma kami roon at kitang-kita talaga namin ang pagkagiliw ng mga tao sa aming tambalan ni Peter L na nag-ugat lang naman sa pag-build sa amin ni Kuya Daniel.
Looking back, mahigit na palang sampung taon ang lumipas since our UNTV days and we feel an amalgam of nostalgia and loneliness.
Honestly, may mga nagagawa tayong mga maling hakbang sa ating career which is but a part of being human, na pinagsisihan rin natin as years go by.
So, today, I woke up with a heavy heart. Naalala pa kaya kami ni Kuya Daniel? Hindi naman lahat ay masasamang panaginip. I’d like to think na nakalalamang naman ang magagandang alaala of days gone by.
Miss ka na namin Kuya. I hope you could find it in your heart to forgive us.
Salamat nang marami!
NAGKA-PROBLEMA NA NAMAN SA SPINAL CORD
Tulala na naman si Mystica dahil sa sunod-sunod na problemang dumarating sa kanilang pamilya.
Just when she’s thinking that she already can heave a sigh of relief for she believes that the pestilence that seems to hound them is now over, her husband Kid Lopez has had a slipped disc. Dinala niya sa doktor at pinatingnan siyempre at slipped disc nga ang findings and it would cost 70K to have it fixed.
Kaya nahihiya man si Tikay ay umaapela na naman siya sa may mabubuting puso riyan na tulungan naman sila dahil sa ngayon talaga, wala silang means para maipaopera ang kanyang mister.
“Ganoon pala, mama, kapag dumarating ang mga problema,” admits Mystica. “Ano kaya ang nagawa kong kasalanan at parang hindi kami tinitigilan ng mga pagsubok?
“Okay lang sana kung may mga shows na ako at mairaraos namin kahit paano. Pero sa December pa naka-line-up ang forthcoming shows kaya hindi ko alam kung ano’ng gagawin ko.”
Anyway, nakahihiya man pero umaapela si Tikay sa may mabubuting puso na tulungan naman sila na maipaopera ang kanyang mister.
Seventy thousand is no joke if you don’t have any money. Kaya sa may mabubuting puso, pumunta lang po sa face book account ni Tikay at malalaman ninyo kung paano maipadadala ang inyong tulong.
Maraming salamat po!
TIGILAN NA ANG PAGPI-PICTORIAL AT MAGBALIK-SHOWBIZ NA!
Maganda si Ellen Adarna. Her beauty is not only arresting but feisty as well.
Kung magsisikap lang talaga siya, I do believe that she can be a good actress.
‘Yun nga lang, parang nauubos ang panahon niya sa mga walang kapararakang mga bagay-bagay.
Mag-focus ka lang sa iyong showbiz career at nakasisiguro akong may mararating ka.
Tama na muna ang mga ombre at sa career naman mag-concentrate.
Minsan ka lang magiging bata kaya nararapat na samantalahin mo.
Heed our advice and go places love.
‘Yun lang!
Send in those sizzling stories that you know about our fave showbiz personalities at [email protected] and #09994269588, #09276557791 and #09223870129 and read them here.
And with that, ito po ang kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity. Adios. Mabalos. I always need you, Nong!
BANAT – Pete Ampoloquio, Jr.