NANUMPA na sa kanyang bagong puwesto ang bagong Flag Officer in Command ng Philippine Navy sa ginanap na turn-over of command sa Sangley Point Cavite kamakalawa.
Ito’y matapos magretiro sa serbisyo si Philippine Navy chief Vice Admiral Cesar Taccad.
Pinangunahan ni AFP Chief of Staff of General Ricardo Visaya ang “change of command and retirement ceremony.”
Si Vice Admiral Ronald Joseph ang itinalagang kapalit sa nagretirong si Vice Admiral Taccad.
Sa kasalukuyan, dalawa ang puwestong hawak ni Mercado, bilang acting Navy chief at Commander ng Western Command na nakabase sa Palawan.
Si Mercado ay miyembro ng PMA Class 1983.