MINSAN nang nakatrabaho ni Actress B si Actress A, na pinaniniwalaang nagbisyo ng droga. Kuwento ni Actress B na nakaumpukan namin kamakailan, ”Ganoon pala ang mga kamay niya (Actress A) sa malapitan?”
Ayon sa kanyang paglalarawan ay tadtad daw ng mga paso sa sigarilyo ang mga ‘yon, tanda raw na nagda-drugs ito noong mga panahong nagsama sila sa isang TV show.
Herself (Actress B) na aminadong nag-drugs din out of curiosity, kapag sumosobra raw kasi ang tama ng isang uri ng droga sa isang tao’y may tendency na pasuin nito ang sarili.
Aware si Actress B sa balitang nalulong umano sa drugs si Actress A kaya ganoon na lang ang kanyang panghihinayang dito.
Da who si Actress A? Itago na lang natin siya sa alyas na Geraldine Barako.
(Ronnie Carrasco III)