Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Friendship, sikreto ng tagumpay ng Banana Sundae

TUNAY na magkakaibigan silang lahat. Ito ang iginiit ni John Prats nang tanungin kung ano ang sikreto na nakaabot sila ng walong taon sa presscon ng Banana Sundae. Ang presscon ay kaugnay ng pagdiriwang ng kanilang ikawalong taon bilang natatanging comedy show ng ABS-CBN.

Ani John, matagumpay ang programa dahil tunay na magkakaibigan silang lahat sa harap at likod ng camera.

“Pag taping, para kaming magkakabarkda na magkikita-kita at magkakatuwaan lang. Kaya siguro nararamdaman din ng mga manonood na totoo ang kwelang hatid namin,” ani John.

“Talagang inaalala namin ang isa’t isa at concerned kami sa kapakanan ng bawat kasama namin,” dagdag naman ni Pokwang.

Pinatunayan din ni Jessy Mendiola, na isa sa recent addition sa Banana Sundaebarkada, ang init ng samahan sa show na agad niyang nadama ilang linggo pa lang siyang sumalang sa set.

“Noong una nahirapan talaga ako sa comedy pero sobrang helpful nilang lahat. Tinulungan nila ako at winelcome ng sobra. Pamilya talaga ang trato namin sa isa’t isa,” pahayag niya.

Kaya bilang pasasalamat ng barkada sa fans, isang anniversary show ang  gagawin nila sa Kia Theater sa Huwebes (Nov 17). Kaya abangan ang pasabog na group production numbers ng Banana Sundae barkada na sina Angelica Panganiban, John Prats, Pokwang, Pooh, Jayson Gainza, JC De Vera, Jessy Mendiola, Ryan Bang, Jobert Austria, Sunshine Garcia, Aiko Climaco, at Badjie Mortizkasama pa ang surprise celebrity guests na sila mismo ang pumili.

Sa kabila ng pinagdaraanang mga pagbabago ng programa, nananatiling tinatangkilik ng manonood ang Banana Sundae. Ito ay consistent top-rater sa weekend at trending din sa social media dahil na rin sa hit segments tulad ng Hugot at Baby Luv at iba’t ibang spoof ng mga pinag-uusapang kaganapan sa politika at showbiz.

Ang programa ay idinidirehe ni Bobot Mortiz kasama ang segment director na si Jem Reyes, executive producer na si Rocky Ubana, creative manager na si Willy Cuevas, at headwriter na si Ricky Victoria sa ilalim ng business unit na pinamumunuan ni Reily Santiago.

Kaya huwag palampasin ang two-part airing ng Banana Sunda8: The 8th Anniversary Special”  sa Nov 20 at 27, pagkatapos ng ASAP sa ABS-CBN.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …