Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
claudine barretto raymart santiago

Bahay nina Claudine at Raymart sa Marikina, inaagad ang pagbebenta

MISMONG ikaanim na taong pagdiriwang ng programang Cristy Ferminute kamakailan ay naging espesyal na panauhin namin ni Tita Cristy Fermin si Atty. Ferdie Topacio. Bale bisperas din ‘yon ng kanyang 51st birthday.

Himself one of the sponsors sa isinagawang raffle ng CFM, nagsilbing daan na rin ni Atty. Ferdie para sampolan kami ng ilan sa kanyang mga signature song. Standard hits pala ang repertoire niya.

Namangha kami sa timbre ng boses ng abogado, no wonder, minsan isang panahon pala’y nagkaroon siya ng set bilang isang lounge singer sa Manila Garden Hotel (now Dusit Hotel along Pasay Road cor. Edsa, Makati).

Siyempre, kinumusta na rin namin ang status ng kaso ng kanyang kliyenteng si Claudine Barretto (who’s also being romantically linked to him) laban sa dating partner nitong si Raymart Santiago.

Ayon kay Atty. Ferdie, nagkaayos na raw ang dating magkarelasyon. In fact, nagkasundo raw sina Raymart at Claudine na paghatian ang mapagbebentahan ng kanilang property sa Marikina City.

Pero habang wala pa raw nakabibili nito’y okey lang daw kay Raymart na roon muna tumira si Claudine. Inaagad daw ang pagdidispatsa sa propyedad na ‘yon dahil binabaha ang lugar na ‘yon sa kaunting buhos lang ng ulan.

Samantala, isa palang Donald Trump fan si Atty. Ferdie, pero iginagalang din niya ang mga sumuporta sa talunang si Hilary Clinton.

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …