NAKAKABILIB ang bunsong anak ni Ms. Lala Aunor na si Ashley Aunor dahil sa murang edad na 19 ay naisipan niyang magtayo na ng sariling negosyo. Ito’y ang kanyang T-shirt business na pinangalan niyang Cool Cat Tees.
“Ang name po ng T-shirt business ko ay Cool Cat Tees. Ako po ang nagde-design personally ng mga T-shirt. Online business pa lang po ito. Ideally, ang aim ko po is to give millenials access to great fan-made merchandise as well as good tops in general,” saad niya sa amin via private messaging sa Facebook.
Iba-iba ba ang sizes nito? “Iyong sizes po, nagre-range ito from XS (Extra Small) to plus sizes po .”
Iyong prices, puwede na bang ilagay? “Wala pa pong official prices.”
Ilang designs lahat-lahat ang mga T-shirt na ilalabas mo? “Maglalabas po ako ng designs per group,” saad pa ni Ashley.
Ito ang first business ni Ashley at ayon pa sa kanya, “Gumagawa lang po ako talaga noon ng mga T-shirt designs para sa mga family and friends ko. Naisipan po namin ni Mom and Ate Marion na magandang sideline business pala ito habang nag-aaral pa ako.”
Bakit Cool Cat Tees ang naisip mong ipangalan dito?
Sagot ni Ashley, “Dahil nag-change alias po ako from Ash-Ash to Cool Cat Ash,naisipan ko na lang po gawing Cool Cat Tees. Ginawa ko pong Cool Cat Ash dahil naging mahilig po ako sa 1950’s American culture and music. Parang 1950’s slang po ang cool cat.”
Ano’ng reaction ng iyong mommy at Ate Marion sa business mong ito? “Proud po sila at ready to help me,” saad pa ng telented na singer/composer na nag-aaral ngayon sa Berklee School of Music Boston Online ng Music Production.
ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio