INIHAYAG ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), kabi-kabilang vehicular accident ang dahilan ng mabi-gat na daloy ng mga sasakyan nitong weekend.
Ayon sa ulat ng MMDA Metro Base, nasa 62 aksidente ang naitala nila nitong Sabado sa iba’t-ibang panig ng Metro Manila.
Karamihan sa mga ito ay natukoy sa EDSA at Commonweath Avenue.
Nakadagdag sa mabagal na usad ng mga sasakyan ang mga proyekto sa mga lansangan sa Makati, Paranaque at iba pang mga lungsod.