Saturday , November 23 2024
kidnap

Kidnapping siguradong nagaganap ngayon

Kamakailan ay nagsalita si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na may nagaganap na kidnapping sa Binondo, Maynila.

Itinanggi ito ng ilang opisyal ng Philippine National Police (PNP).

Pero nanindigan ang Pangulo, mayroong nagaganap na kidnapping.

Naniniwala po tayo riyan.

Isang kakilala nating taga-CAMANAVA ang nakaranas nito.

May kumatok sa kanyang tanggapan, nagpakilalang mga pulis at nagsilbi umano ng warrant of arrest.

Habang nakikipag-usap siya, nakita niya ang mga papasok na armadong kalalakihan. Mabilis niyang hinubad ang kanyang mga alahas at naitabi.

Pero hindi siya pinaligtas ng mga armadong lalaki, binitbit siya at dinala.

Isinakay sa isang tinted na sasakyan, idinaan at pinaikot-ikot kung saan-saan hanggang mamalayan niyang nasa Camp Crame na sila.

Agad tinawagan ng mga armadong lalaki ang asawa ng biktima at pinagpo-produce ng P5 milyon.

Kung hindi pa sa panghihimasok ng isang mambabatas, hindi pa pawawalan ng mga ‘dumukot’ ang biktima.

Kapag nabasa ito ng mga kinauukulan, malamang ang una nilang gawin ay padalhan tayo ng sulat at imbitahan sa kanilang tanggapan.

Pero nakikiusap ang inyong lingkod na huwag ninyong gawin iyon dahil hindi ako sasama.

Paganahin po ninyo ang intelligence network ninyo para malaman ninyo kung sino ang nasa likod ng ganyang uri ng kidnapping.

Huwag na po ninyong palalain pa ang situwasyon. Kumilos agad kayo!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *