Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sikat na babaeng personalidad, hiniwalayan ang dyowa dahil sa baba ng IQ

SA isang event kamakailan ay naglitanya ang isang sikat na babaengpersonalidad ng ilang mga lumang isyu sa kanyang personal na buhay, isa roon ay ang kanyang matinding pangamba noong maghiwalay sila ng kanyang partner limang taon na ang nakararaan.

Pero mabilis ang aming reliable source sa pangunguwestiyon sa sensiridad ng hitad sa kanyang rebelasyon. ”Ha, ano ‘ika niya, natakot siya noong maghiwalay sila? At ‘end of the road’ na raw ‘yon ng buhay niya?”

Isa kasi ang aming impormante sa dadalawa lang umanong napaghingahan ng personalidad na ‘yon ng tungkol sa noo’y lumalabo nitong pagsasama sa kanyang dyowa.

“Tumigil nga siya sa kadramahan niya! Gusto ko lang ipaalala sa kanya na dalawa kami ng kasama ko (sa trabaho) nang mag-emote siya sa amin na siya itong gusto nang makipaghiwalay sa dyowa niya, ‘no!  Kaso, alumpihit siya noon dahil kapag ginawa raw niya ‘yon, eh, tiyak na ang simpatya ng publiko, eh, doon sa dyowa niya. Sige, ewan ko lang kung makukuha niyang idenay na sinabihan pa nga niyang ‘bobo’ ang dyowa niya, bobo as in malayo raw ang IQ nito sa kanya!”

Da who ang exchoserang bida sa kuwentong ito? Itago na lang natin siya sa alyas na Chrysanthemum Aquinas.

( Ronnie Carrasco III )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …