Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Miss Silka Philippines, another Silkamazing year of beauty and purpose

MAGAGANAP na ang isa sa inaabangang national beauty contest competition, ang Miss Silka Philippines na ang coronation night ay mangyayari sa Nobyembre 12 sa New Glorietta Activity Center, Makati City. Nagsama-sama ang Cosmetique Asia Corporation, tagagawa ng Silka Skincare products at ang creative production team ng Cornerstone Entertainment Inc., sa pagbuo ng Miss Silka Philippines 2016—na magpapakita ng ganda, musika at iba pa.

Ipinagdiriwang ngayon ng Silka ang kanilang ika-15 taon at layunin nitong pumili ng brand ambassador mula sa 30 naggagandahang babae na nagmula sa iba’t ibang panig ng Pilipinas. Ang beauty brand na ito ang nagsama-sama sa mga delegado mula Luzon, Visayas, at Mindanao na hindi lamang biniyayaan ng fair at smooth skin, subalit mayroon ding confidence at sense of commitment sa kanilang komunidad.

Magsisilbing host sina ABS-CBN’s Pilipinas Got Talent Season 1 Markki Stroem at model/beauty/self help author Bianca Valerio samantalang magbibigay entertainment naman ang G-Force at Silka’s multi awarded brand endorser, ang ultimate heartthrob Piolo Pascual.

Kung ating matatandaan, si Kimberly Weber mula Zambales ang nakakuha ng crown last year. Mula sa cash prize at brand ambassadorship, nag-donate rin si Weber ng P100,000 cash mula sa Cosmetique Asia sa People Recovery, Empowerment and Development Assistance (PREDA). Ang PREDA ay nakabase sa Olongapo, isang non-government organization na tumutulong sa mga batang minaltrato na unti-unting nakakapagbagong-buhay.

At mula sa Cornerstone Entertainment at sa bumubuo ng Cosmetique Asia family na pinamumunuan ng powerful team-Chief Operating Officer Mr. Janssen Co, Silka Marketing Manager Ms. Jane Co, VP Finance and Juicy Marketing Manager Ms. Hennie Yu, Vice President for Sales Mr. Leonardo Aquino, Corporate Sales Development Officer Mr. Timothy Chuongco, National Sales Manager for Modern Trade Mr. John Claveria, National Sales Manager for General Trade Mr. Jigs Jimenez, Juicy Cologne & Biogenic Alcohol Brand Manager Ms. Claire Genova, Juicy Cologne & Biogenic Alcohol Asst. Brand Manager Ms Raessy Angeles, Silka Asst Brand Manager for Bath Category Ms. Gyn Lim, Silka Asst Brand Manager for Lotion Category Ms. Myrtle Frantilla, masaya nilang ibinabalik ang prestihiyosong timpalak kagandahan sa bansa at sa buong mundo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …