SA kabila ng botong 9-5 ng mga mahistrado ng Supreme Court (SC) na nagbabasura sa kahilingang hindi mailibing si Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani (LNMB), hindi pa rin matanggap ng pitong petitioner ang kanilang pagkatalo.
Malinaw ang desisyon ng SC na si Marcos ay dating pangulo, isang sundalo at ang pagkakapatalsik sa kanya sa pamamagitan ng people power ay hindi batayan para hindi payagang siya ay mailibing sa LNMB.
Malinaw rin sa desisyon ng SC na ang naging kautusan ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na ilibing ang labi ni Marcos sa LNMB ay legal at hindi tama ang sinasabi ng pitong petitioner na inabuso ng pangulo ang kanyang kapangyarihan para iutos ang pagpapalibing kay Marcos.
Pero asahang sa mga susunod na araw, maghahain ang mga petitioner ng kanilang Motion for Reconsideration at umaasa na babaliktarin ang naging desisyon ng mayorya sa mga mahistrado ng SC.
Pero mabibigo lang ang pitong petitioner dahil wala silang bagong ihahaing argumento, tulad nang paulit-ulit na sinasabing si Marcos ay diktador, maraming pinahirapan, magnanakaw at hindi isang bayani.
Sa pitong petitioner na nagtangkang harangin ang libing ni Marcos, butata kayo, ano?!