ISANG makabuluhang Christmas Bazaar via Celebrity Christmas Bazaar 2016 ang hatid ng magkaibigang Nadia Montenegro at Arlene Muhlach. Ito’y magaganap sa November 13-14 at Dec. 3-4 sa BF Homes Phase 1 Gym Pilar Banzon St. Paranaque City for the benefit of Damay Kamay Organization.
Ang Damay Kamay Organization ay isang organisasyong tumutulong sa mga artista at mga tao sa loob at ng showbiz na nangangailangan ng tulong. Ito’y itinatag noong May 1, 2016 sa pamumuno ni Ms. Vivian Velez.
Ilan sa mga celebrity na sumusuporta sa nasabing bazaar ay sina Jay Manalo, Yna at Yana Asistio, at ang bagong Viva artist na si Annyka Asistio, Jeremy Marquez atbp..
Magkakaroon din dito ng live performances mula sa mga maiimbitahang celebrities mula sa iba’t ibang TV networks.
MATABIL – John Fontanilla