Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Arjo Atayde, bilib kay Coco Martin!

MASAYA si Arjo Atayde sa pagiging bahagi niya ng top rating TV series na FPJ’s Ang Probinsyano sa ABS CBN. Ayon kay Arjo, maganda ang bonding ng casts nito, solid ang kanilang samahan, at bigay-todo rito ang lahat para lalong pagandahin ang kanilang TV series.

Nang usisain namin ang tisoy na anak ni Ms. Sylvia Sanchez kung ano sa tingin niya ang sikreto ng success ng kanilang TV series sa Kapamilya Network na pinagbibidahan ni Coco Martin, ito ang kanyang sagot:

“Tingin ko parehas lang kami ng gustong gawin lahat, ang magbigay ng inspirasyon sa mga tao, magbigay… paano ko ba sasabihin? Magbigay inspirasyon, magbigay ng aral sa mga kabataan…. So it’s the same thing, same goal for all of us. At saka masaya kami kapag magkakasama, very bonded,” esplika niya.

Sinabi rin ni Arjo na parang kapatid ang turingan nila ni Coco. “Ka-close ko po siya na parang older brother na nagbibigay ng advice, tumutulong.”

Ayon pa kay Arjo, since si Coco ang consultant sa seryeng ito, mabusisi ang aktor at talagang pinapaganda nang husto ang kanilang serye para suklian ang pagsuporta at pagtangkilik ng viewers.

Nakakahawa ba ang galing ni Coco kapag kaeksena mo siya?

Sagot ni Arjo, “Lahat sila nakakahawa rito, sina Tito Eddie Garcia, Albert Martinez, si Ms. A-Ms. Agot (Isidro), Coco, Tita Susan (Roces), lahat sila ay magagaling talaga.

“Actually all of them naman eh, magagaling sila, kapag kumonek ka, they’ll hit you up with emotions as well. Also the CIDG boys, the thing is masaya kami lahat because work is work, fun is fun. Lahat sila ganoon, kaya masaya kapag nagtatrabaho kami,” nakangiting saad pa ng magaling na actor.

Sa ngayon, bukod sa patindi nang patindi ang mga action scenes dito, ang isa pang tinututukan sa serye nila ay ang napipintong pagpe-frame-up kay Coco. Kaya sure ako na lalong excited ang mga suking viewers ng Ang Priobsinyano dahil posibleng magkita sa kulungan ang magiting at tapat na pulis (Coco) at ang astig na drug lord (Albert Martinez).

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …