Saturday , November 16 2024

Hero’s welcome kay Pacman

INIHAHANDA na ang Malacañang sa mainit na pagsalubong kay boxing champion Manny “Pacman” Pacquiao makaraan ang panalo sa laban kay Jessie Vargas.

Sinabi ni Communications Sec. Martin Andanar, pinanood din nila ang laban ng Filipino ring icon at mukhang si George Foreman ang boksingero na pinaliit dahil sa kanyang galing sa loob ng ring.

Ayon kay Andanar, maging ang meeting nila nina Sec. Jun Evasco, Presidential Spokesman Ernesto Abella, National Intelligence Coordinating Agency director at mga miyembro ng Kilusang Pagbabago kamakalawa, ay iniatras pagkatapos ng laban ni Pacquiao para mapanood ito nang buo.

Kaya maging ang Malacañang ay ayaw pa magretiro si Pacquaio at nais pang makapanood nang marami pang laban.

Umaasa silang makakalaban pa uli ni Pacquiao si Floyd Mayweather bago tuluyang tumigil sa pagboboksing.

“Oo, siguro ang gusto natin ay si Mayweather ang makalaban. Pero para mas mahaba pa ang… eh maganda rin si Crawford bago si Mayweather para mas marami pa tayong mapanood na boksing. Baka after kay Mayweather ay mag-retire na eh,” ani Andanar.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *