Friday , November 15 2024

Congrats Sen. Pacman! Police vs droga, matagumpay

CONGRATULATIONS Senator Manny “Pacman” Pacquiao!

Ang kauna-unahang fighting senator sa buong mundo. Marami ka na namang pinasaya, hindi lang mga Pinoy kundi maging ang iba’t ibang lahi na humahanga sa inyo.

Sa laban, pinatunayan ng Senator sa kanyang katunggaling si Jessie Vargas na hindi laging nakalalamang ang mga bata (sa edad) pagdating sa anomang klaseng isport lalo na sa boksing.

Sa 2nd round ng 12-round fight, ipinatikim ni Pacman ang kanyang kamao kay Vargas. Patunay na nananatili pa rin ang kanyang lakas bagamat sinasabing matanda na si Manny sa edad na 37 sa  boksing. Bata man si Vargas, hindi pa rin nanaig ang kanyang lakas.

Pero may mga saludo rin kay Vargas dahil nagawa niyang makatayo hanggang sa huling round bukod sa ipinakita niyang lumalaban siya nang patas hindi tulad ni Pretty Boy. Nakatatama at napurohan din ni Vargas ang Senador paminsan-minsan.

Sa buong laban, maganda ang ipinakitang laro ng dalawa. Dama kay Pacman na kaiba na ang klase ng kanyang laban – oo, naroon pa rin ang kanyang bilis at lakas pero hindi na tulad ng mga nauna niyang laban.

Ngunit ang mas kahanga-hanga, ipinakita ni Manny sa kanyang laban ang pusong Kristiyano o maka-Diyos. Hindi pa rin siya nakalilimot sa Di-yos. Nananalangin bago at matapos ang laban. Hindi lamang ang seguridad niya sa laban ang kanyang ipinagdarasal kundi kasama si Vargas sa kanyang prayers.

Nang matapos ang laban – buong pusong ipinakita ni Manny sa bilyong nanood ng laban, saan man sulok ng mundo, ang kanyang pasasalamat sa Diyos, hindi lamang sa kanyang pagkapanalo kundi dahil walang masamang nangyari sa kanila ni Vargas.

Uli, sa ating Senador – a man of God. Congratulations!

* * *

Nakagugulat ba ang nangyaring pagkakapaslang kay Mayor Rolando Espinosa Sr., ng Albuera, Leyte sa loob ng selda sa Baybay City Jail noong Sabado?

Tulad ng script nang marami este, mali pala – nanlaban daw ang alkalde kaya, no choice ang mga operatiba ng PNP  Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Region 8, kundi ipagtanggol ang kanilang sarili.

Hayun naman pala e, ipinagtanggol lang ng mga taga-CIDG ang kanilang sarili matapos silang paputukan ni Espinosa nang pasukin ang  kanyang selda para isilbi ang search warrant.

Kunsabagay, kapag sa iyo naman mangyari ito, malamang na ipagtanggol mo rin ang inyong sarili dahil kung hindi, ikaw ang mapapatay.

Ngayon, maraming nais na mag-imbestiga sa insidente. Okey iyan pero, hanggang saan kaya abutin ang imbestigasyon? May kahihinatna ba ito? May makukulong ba sa mga nakapatay kay Espinosa?

Hindi lang si Espinosa may ganitong istorya – ang napatay at nanlaban  kundi napakarami na – mga tulak o basta’t sangkot sa droga. Ang tanong, ba’t kay Espinosa lang nakatutok ang kaso? Paano ang mga nauna?  TY-TY na lang ba?

Ganoon na nga. Paano naman kasi, kahit mga kaanak nila (ilan sa mga unang napatay na adik/pusher sa drug operations) ay hindi na interesadong kunin ang kanilang labi/bangkay sa pune-rarya.

Kung baga, tanggap na nila ang nangyari sa kanilang kaanak. Pero hindi ba dapat na magsagawa pa rin ng imbestigasyon hinggil sa pagkakapatay ng mga nauna? Ha! Ano!? Hindi naman sila mayor! Kaya bakit pa. Hehehe. Kapag mahirap ang naitumba, tapos na ang kaso! Iyon na ‘yon! Basta tandaan, maraming ikinanta si Espinosa na nakikinabang sa kanya.

***

Sa Baguio City naman, hindi patayan ang isinumbong sa atin kundi isang lugar na tambayan ng mga adik/pusher para magpalipas ng oras. Ha! Totoo ba ito?

Totoo bang paboritong tambayan ng mga adik/pusher ang peryahan na matatagpuan sa slaughter house sa Barangay Sto. Niño, sa Baguio? Naku, kung totoo man ito, hindi na mahihirapan ang mga pulis-Baguio o PNP CAR sa paghahanap ng mga tulak/adik sa lungsod.

Ano ba mayroon sa peryahan? May pot session ba rito? Wala naman daw. E ano? Totoo bang prente ito ng pasugalan? Ang perya ay pinatatakbo ng isang alyas “Paula” sa tulong ng isang barangay official.

Baguio City Police Director, Supt. Ramil Sa-culles, pakisilip ang perya-gal este, peryahan pala. Totoo kayang tambayan ng mga adik at tulak ang peryahan?

Supt. Saculles, maraming saludo sa matagumpay mong kampanya laban sa droga sa Baguio City kaya, paki-aksiyonan ang impormasyon hinggil sa peryahang ito! Hindi pa man sir. Saludo na ang marami sa inyong nakatakdang hakbangin.

AKSYON AGAD – Almar Danguilan

About Almar Danguilan

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *